Taga-Aklan nanalo ng P63M sa Grand Lotto 6/55 | Bandera

Taga-Aklan nanalo ng P63M sa Grand Lotto 6/55

Leifbilly Begas |August 02,2015
facebook
share this

Taga-Aklan nanalo ng P63M sa Grand Lotto 6/55

Leifbilly Begas - August 02, 2015 - 07:11 PM

grand-lotto
Sa Aklan tumaya ang nanalo ng P63.5 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola noong Sabado ng gabi.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Jose Ferdinand Rojas II ang nanalo ay tumaya sa Poblacion, Banga, Aklan.
Siya ang nag-iisang nakakuha ng mga numerong 8-29-16-26-13-21. Umabot sa P20.6 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola.
Nanalo naman ang 63 mananaya ng tig-P16,370 mananaya na nakakuha ng limang numero, at P410 naman ang 1,990 mananaya na nakaapat na numero. Balik-taya (P20) naman ang 26,204 mananaya na nakatatlong numero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending