Dennis, Jennylyn nagkabalikan na: Gusto kasi namin tahimik na lang! | Bandera

Dennis, Jennylyn nagkabalikan na: Gusto kasi namin tahimik na lang!

Ervin Santiago |August 02,2015
facebook
share this

Dennis, Jennylyn nagkabalikan na: Gusto kasi namin tahimik na lang!

Ervin Santiago - August 02, 2015 - 02:00 AM

dennis trillo

KUNG ayaw magsalita ni Jennylyn Mercado tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ngayon ni Dennis Trillo, game na game namang sumagot ang Kapuso Drama King tungkol sa kanyang lovelife.

Kitang-kita sa itsura ni Dennis ngayon na maligaya siya sa kanyang personal life, bukod sa mas fresh siya ngayon ay mas gumanda pa ang kanyang katawan.

“Love is lovelier the second time around,” ito ang kinikilig na sabi ni Dennis nang makachika ng mga reporter pagkatapos ng presscon ng My Faithful Husband nu’ng Biyernes ng gabi.

Ito ang bagong GMA Telebabad series nina Dennis at Jennylyn na magsisimula na sa Aug. 10. Ayaw pang diretsahin ng aktor na sila na uli ni Jennylyn pero reading between the lines, mukhang nagkabalikan na nga ang dalawa after they broke up in 2011.

Hirit ni Dennis, “Ganu’n talaga, e, nangyayari talaga. Ngayon, masasabi ko talaga na love is lovelier the second time around.”

Tinanong si Dennis kung sa scale na 1 to 10, gaano siya kasaya ngayon sa kanyang personal life? “Ten siguro kasi ano, e, marami kasing magandang nangyari bukod du’n sa magandang relasyon namin.

Bukod sa bagong show, sa takbo ng career, sa mga nangyayari sa buhay ko, sa pamilya ko, lovelife… lahat-lahat na.

“Kumbaga, masaya, wala nang mahihiling pang iba,” pahabol pa ng Kapuso actor. Dagdag pa nito tungkol sa relasyon nila ngayon ni Jen, “Maganda ‘yung samahan namin, working relations okay din, magkaibigan din.

Pero merong mga ibang bagay na hindi na kailangang sabihin. Kung ano ‘yung mga nakikita ng mga tao, hindi mo na kailangang sabihin pa.”

“Pero, alam n’yo naman, hindi naman ako ganu’n na tao na nagpo-focus lang sa lovelife. Pero masaya lang ako sa mga nangyayari. Magkatrabaho kami ulit and maayos kami,” dugtong pa ng binata.

Pero bakit hindi pa nila maamin na sila na talaga? May agreement ba sila ni Jen na itago muna ito sa publiko? “Hindi naman, pero mas masaya lang siguro kami sa ganu’n na tahimik, na hindi na pinagpipiyestahan kung ano man yung nangyayari sa mga buhay-buhay namin.

“Oo, kasi medyo matatanda na rin kami. Siguro yung mga ganyang usapin, para lang ‘yan sa mga nagsisimula na gusto pag-usapan ang mga lovelife nila at maging controversial.

Kami, tapos na kami du’n. Mas gusto namin, peaceful. Walang kontrobersiya,” aniya pa. Isang malaking blessing daw sa kanila ni Jennylyn ang bagong serye nila sa GMA, at inamin ni Dennis na mas nag-mature na sila ng aktres sa maraming bagay, kabilang na ang pag-arte.

“Masaya lang na nag-grow kami bilang mga individuals, nag-mature…Hindi naman ‘yung sobrang nag-mature, siguro nag-grow kahit paaano.

At masaya kami at nakatulong ‘yun para maganda yung relasyon namin ulit at makapagtrabaho nang maayos.”

Samantala, sa My Faithful Husband gagampanan ni Dennis ang role ni Emman, isang faithful na mister na kinakaliwa ng kanyang misis na gagampanan nga ni Jennylyn.

Kaya naman naitanong sa aktor kung gaano ba siya ka-faithful kay Jennylyn in real life? “Gaano ka-faithful? Meron bang mga levels ‘yung pagiging faithful? Basta kapag faithful ka naman, ayun.

Kung tapat ka, ‘yun na ‘yun, wala nang kung anuman.” Si Mikael Daez ang magiging kabit ni Jen sa nasabing serye, at sa trailer pa lang ay ipinakita na ang ginawa nilang love scene.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, talagang nag-mature na nga si Jen bilang aktres dahil napapayag siyang gumanap bilang kaliweteng misis at may mga sex scene pa siya sa dalawa niyang leading man.

Ka-join din sa My Faithful Husband sina Snooky Serna, Rio Locsin, Louise delos Reyes, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Lloyd Samartino, Timmy Cruz, Kevin Santos, Jerald Napoles, Julie Lee, Jade Lopez, Jazz Ocampo, Aaron Yanga at Rexcy Evert, sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending