Grace Poe patuloy na winawasak ng mga kalaban sa politika | Bandera

Grace Poe patuloy na winawasak ng mga kalaban sa politika

Cristy Fermin |August 02,2015
facebook
share this

Grace Poe patuloy na winawasak ng mga kalaban sa politika

Cristy Fermin - August 02, 2015 - 02:00 AM

susan roces

Hindi pa man siya nagpapahayag ng kagustuhan niyang kumandidato sa mas mataas na posisyon sa darating na eleksiyon ay may mga sumisira na sa imahe at pagkatao ni Senadora Grace Poe.

Bukod sa pagkuwestiyon sa kanyang nationality ay maling-mali ang hakbang na ginawa ng isang pulitiko sa pangmamaliit sa kanyang pagiging ampon.

Ngayon naman ay may nagpapalutang ng mga kuwentong-kutsero na hindi raw maganda ang kanyang pagtrato sa staff niya at palamura pa raw ang senadora.

Nagtatrabaho sa opisina ni SGP ang aming anak-anakang si Peter Dinglasan. Kung totoo ang kuwentong mahilig magmura ang mambabatas ay hindi maitatago sa amin.

Kahit pahapyaw lang ay may mauulinigan kami pero wala. ‘Yun ay dahil siya ang inaasintang tumakbong vice-president katambal ang manok ng Liberal party na si DILG Secretary Mar Roxas.

Ngayon pa lang, kahit wala pa siyang ihinahayag na kagustuhang tanggapin ang hamon, ay winawasak na si Senadora Grace Poe.

Ang tanging konsolasyon na lang niya sa mga ganitong senaryo ay buung-buo siya, kaya siya sinisira, hindi na pinagkakaabalahan pang sirain ang matagal nang sira.

Ganu’n na lang ang isipin ni SGP para hindi siya masaktan sa mga paninirang ngayon pa lang ay ibinabato na laban sa kanya ng kampong nakatakda niyang makalaban.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending