John Lloyd: Wala na kaming isyu ni Shaina! | Bandera

John Lloyd: Wala na kaming isyu ni Shaina!

Ervin Santiago |August 02,2015
facebook
share this

John Lloyd: Wala na kaming isyu ni Shaina!

Ervin Santiago - August 02, 2015 - 02:00 AM

shaina magdayao

Walang ilangan sa pagitan ng ex-couple na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao nang magkatrabaho sila uli sa Kapamilya series ng Nathaniel.

Ayon kay Lloydie, wala na namang isyu sa kanila ni Shaina kaya naging magaan ang pagtatrabaho nila.
Gumaganap na abogado si John Lloyd sa Nathaniel na nais maghiganti sa pamilya nina Gerald Anderson at Coney Reyes.

Balitang nag-trending din ang confrontation scene nila nina Shaina at Gerald last week. “Sobra akong nag-enjoy don. Napakabait nila, napakagaan nilang katrabaho.

Tsaka ano eh may respeto sila sa mga artista, sa mga tao nila and it’s the kind of set na gusto mong mapabilang,” ayon kay Lloydie sa interview ng ABS-CBN.

Dagdag pa niya, “Pag nandon ka sa set nila napakasaya, napakagaan nila kasama. Napakagaan at napaka-fluid lang ng trabaho.

Ako maswereteng maswerte ako na na-experience ko ‘yung show na ‘yun.” Hindi rin daw siya nagdalawang-isip na tanggapin ang alok ng Dreamscape Entertainment na mag-join siya sa Nathaniel kahit nga nasa serye rin si Shaina, “Wala na naman ‘yun.

We’re all grown ups. Ang tagal na noon at wala naman talagang issue, eh. Actually nong nag-decide ako na mag-offer ako ng trabaho na, ‘Sige pwede ba akong maging part ng Nathaniel?’

“Actually hindi ko naisip na ‘Oops, oo nga pala nandiyan si Shaina.’ Wala na po talaga ‘yun eh na hindi na siya. Nu’ng pagdating ko sa nga taping hindi ko siya nakita, siya pa ‘yung nag-welcome sa akin sa set,” paliwanag ng boyfriend ni Angelica Panganiban.

Samantala, patuloy na tutukan ang mas lalo pang gumagandang kuwento ng Nathaniel sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng TV Patrol.

Kasama pa rin dito sina Marco Masa bilang si Nathaniel, Isabelle Daza, Pokwang, Baron Geisler, Sharlene San Pedro, Jairus Aquino at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending