Makapagba-barko bang muli? | Bandera

Makapagba-barko bang muli?

Joseph Greenfield |August 01,2015
facebook
share this

Makapagba-barko bang muli?

Joseph Greenfield - August 01, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Francis ng Gladiola St., Buhangin, Davao City
Dear Sir Greenfield,

Dati po akong nasampa sa barko bilang seaman, isang beses lang at napababa ako dahil nagka-trouble kami ng mga kasamahan ko. Mula noong ay hindi na ako nakasampa uli kaya naubos na ang ipon ko. Itatanong ko lang kung may ikalawang pangingibang bansa kayang itatala sa aking kapalaran? Kung mayroon kailan naman kaya ito magaganap at susuwertehin kaya ako at hindi na mato-trouble uli sa barko. Balak ko kasi magbarko ng mag-barko para makaipon ako ng pera at kapag marami na akong ipon balak kong mag negosyo na lang? At kung makakaipon na ako at mag nenegosyo, anong negosyo kaya ang bagay sa akin? March 23, 1981 ang birthday ko.
Umaasa,
Francis ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

May malinaw na ikalawang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) na namataan sa iyong palad. Ibig sabihin kung nakapag-abroad ka na dati, at kung nag-aaplay ka na sa ngayon, tiyak ang magaganap, sa ikalawang pagbabarko, may isang masagana at produktibong karanasan na ang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:

Eight of Diamonds, Seven of Diamonds at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung may aplay ka na ngayon o noon pa, sigurado ang magaganap, sa buwan ng Agosto walang duda, may isang masagana at mabungang pagbabarko na itatala sa iyong kapalaran na magiging simula upang makaahon ka na sa hirap at tuluyang umunlad.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending