Dina ayaw nang magpabuntis sa dyowang vice-governor | Bandera

Dina ayaw nang magpabuntis sa dyowang vice-governor

Ervin Santiago |July 31,2015
facebook
share this

Dina ayaw nang magpabuntis sa dyowang vice-governor

Ervin Santiago - July 31, 2015 - 02:00 AM

Dina Bonnevie

Kung si Dina Bonnevie ang tatanungin, hindi na siya umaasa na magkakaroon pa sila ng anak ng politician husband niyang si Ilocos Sur Vice Governor Deogracias Victor “DV” Savellano.

“Ang tanda ko na para magkaanak pa. Hindi na, I’m 53. When we got married (noong March 2012), I was 50. Parang hindi ko naman ma-imagine na yung anak ko, mas bata pa sa mga anak ni Danica at ni Oyo!

“Mas bata pa yung anak ko kaysa sa mga apo ko, parang ang panget!” natatawang chika ni Dina nang makachika ng entertainment media sa presscon ng bagong GMA Telebabad series na Beautiful Strangers na pagbibidahan nina Lovi Poe at Heart Evangelista.

Si Ms. D ang magiging major kontrabida sa serye bilang palabang misis ni Boyet de Leon. Biniro pa nga raw niya ang anak, “Sabi ko, ‘Danica, I’m pregnant!’ Sabi niya, ‘Ha?! Yuck, Mommy, talaga? Ano ba?

Talaga, nag-baby ka pa, alam mong mas bata pa yung anak mo kaysa sa mga anak ko.’ Sabi ko, ‘Luka-luka, biro lang!’”

Maligaya na raw si Dina sa kanyang limang apo, dalawa kay Danica at sa mister nitong si Marc Pingris at tatlo naman kay Oyo at sa misis nitong si Kristine Hermosa, “Happy lola ako sa mga apo ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending