Jane na-shock nang mabuntis: Di ko in-expect! | Bandera

Jane na-shock nang mabuntis: Di ko in-expect!

Julie Bonifacio |July 31,2015
facebook
share this

Jane na-shock nang mabuntis: Di ko in-expect!

Julie Bonifacio - July 31, 2015 - 02:00 AM

jane oineza

Extended ang afternoon teleserye na pinagbibidahan ni Jane Oineza, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita sa ABS-CBN. Originally, 20 weeks lang eere ang Kapamilya Gold teleserye.

Pero dahil sa magandang reception sa programa ng viewers ay nasa ikatlong season na ito ngayon.
“Nakaka-overwhelm po at sobrang nakakatuwa, and sana tumagal pa po,” ani Jane.

Bukod kay Jane, nag-uumpaw din ang kasiyahan at pasasalamat ng mga kasamang bida rin niya sa NKNKK na sina Denise Laurel, Christian Vasquez, Loisa Andallo, Jerome Ponce, Joshua Garcia at Vina Morales.

Nagsimulang mapanood sa telebisyon ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita (pagkatapos ng Flordeliza) noong Enero at unti-unti ay nabihag agad ng programa ang puso ng televiewers dahil sa iba’t ibang mukha at kwento ng pagibig na tinatalakay nito.

Patunay nito ang patuloy na pagtaas ng national ratings ng teleserye at araw-araw na pagsama sa listahan ng trending topics sa social media.

Nabigla naman si Jane bilang si Corrine sa serye na umabot sa pagiging teenage mom ang role niya, “Hindi ko nga po in-expect na aabot sa ganoon.

Syempre kasi, unexpectedly din naman na nag-extend, na naging ganito ang show,” pahayag ni Jane.
“At syempre pressured po ako kasi ano ang isipin ng tao, ano ang feedback nila and all.

Pero inisip ko na lang trabaho ito,” esplika niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending