Ai Ai: Lahat na lang kasalanan ko! | Bandera

Ai Ai: Lahat na lang kasalanan ko!

Julie Bonifacio |July 31,2015
facebook
share this

Ai Ai: Lahat na lang kasalanan ko!

Julie Bonifacio - July 31, 2015 - 02:00 AM

aiai delas alas

NAILING na lang si Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa balitang nainis sa kanya ang ilang Kapuso stars na nawalan ng trabaho sa pagkakatanggal ng Sunday All Stars sa GMA.

Hindi na bago kay Ai Ai ang mga ganitong intriga kaya ayaw na lang niyang pansinin. “Parati naman ako, ‘di ba? Lahat na lang ako ang may kasalanan.

Parang si P-Noy lang ‘di ba? ‘Di ba ganoon ‘yun? Parating laging lahat, siya (P-Noy). Hindi ba may picture siya sa Facebook, ‘O, ako na naman ang may kasalanan.’ ‘Di ba, nakakalokah? Pero sa totoong buhay ako ‘yung gumagawa ng maganda.

Bakit parati na lang ako?” sabi sa amin ni Ai Ai. Ayon sa Comedy Queen, hindi naman nila tatapatan ang Sunday show sa ABS-CBN para talunin ng bago nilang show na Sunday PINASaya kung saan kasama niya ang isa pang reyna sa GMA na si Marian Rivera.

“Gagawin namin ang show na ‘to para maging masaya sila sa Sunday, kaya nga Sunday PINASaya, ‘di ba? Ayaw naman naming mag-inarte rin at mag-pretend, hello? Twenty years naman ang ASAP.

Kung ano lang ang kaya naming iparating, mapasaya kayo at maiba naman kami sa ASAP. May alternative silang panoorin,” pahayag ni Ai Ai.

May pagka-Saturday Night Live ang concept ng bagong show ni Ai Ai, “Exactly, ‘yan. May mga sketches tapos may production numbers in between, na Tagalog version, ganoon ang gagawin namin at live.”

Supposed to be kasama rin nina Ai Ai at Marian ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa bagong show. But how true na kaya tinanggihan ni Regine ang show dahil sa konsepto nito na comedy dahil ‘di naman siya komedyante.

At ‘yung isa naman daw na dahilan ay bilang simpatiya sa mga kasamahan niya sa SAS na nawalan ng trabaho. “Hindi naman siguro.

Saka hindi naman kami ang dahilan kaya sila nawalan ng trabaho. Desisyon ng GMA ‘yun. Unang-una, hindi naman namin network ‘yun. Trabahador lang kami nina kambal (Marian),” esplika niya.

Siyempre, nalungkot si Ai Ai na hindi natuloy si Regine na makasama nila sa show, “Nanghinayang ako kasi talagang kasama ko siya diyan, e. Kami talaga ‘yung unang-unang nag-pictorial.

Tatlo lang kami. Hindi ko alam kung bakit, e.” Kasama rin daw nila sa show na magsisimula na next month sina Julie Anne San Jose, Joey Paras at Alden Richards.

“Maganda ‘yung show namin, actually. Hindi ko sinasabing maganda siya kasi kasama ako sa show. Pero nu’ng nilatag sa amin, e, nakita ko na ‘yung script ng pilot namin, napakaganda talaga.

Excited ako saka meron kaming show to be proud of. Proud ako na, ‘Ay, may show kami na Sunday.’ Tapos iba naman,” pahayag pa niya.

Samantala, hindi namin napigilang batiin ang ganda ni Ai Ai habang kausap namin sa set ng Let The Love Begin. “Sabi ko nga, e, ‘Lord, thak you, ha.

Parang gumaganda ako at saka parang kuminis ako. Thank you Lord.’ Ha-hahaha!” Masaya rin daw kasi siya dahil nakakatulong siya sa kapwa kahit paano gaya kay Jiro Manio.

“At least, ‘di ba pagharap ko sa Panginoon meron akong masasabi na marami naman po akong nagawa bilang anak Ninyo. Meron akong naalagan na anak Ninyo rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

So, bigyan Ninyo naman ako ng ganda points. Ha-hahaha!” No wonder “nagkakagulo” ang mga leading men niya sa teleseryeng Let The Love Begin sa GMA.

“Ewan ko sa kanila. Bahala sila!” biro ni Ai Ai. “Ang tanong, gusto ba ni Gerald (Sibayan, her boyfriend) ‘yan? Ha-hahaha! Naku, ayoko nang magulong buhay.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending