Kris ibang-iba ang itsura pag bagong gising at walang make-up | Bandera

Kris ibang-iba ang itsura pag bagong gising at walang make-up

Jobert Sucaldito |July 31,2015
facebook
share this

Kris ibang-iba ang itsura pag bagong gising at walang make-up

Jobert Sucaldito - July 31, 2015 - 02:00 AM

kris aquino

Puro violent reactions pa rin ang nababasa namin sa pagkapanalo ni Kris Aquino as the Most Beautiful Star of 2015 sa isang glossy showbiz magazine.

Kasi nga, nagkalat ang mga litrato ng naggagandahang mga artista natin and they found Kris daw na malayo sa mga mukha nila.

Kung payamanan daw o pagka-most powerful or influential star, puwedeng si Kris na nga ang unanimous winner.

Pero sa pagandahan ay malayo nitong itaob ang mga mukha nina Gretchen Barretto, Dawn Zulueta, Liza Soberano and many others.

Paano raw ba nangyari ito? Ano raw ba ang criteria sa pagpili nila ng said award for her? “Kasi nga napakaraming print ads sa mga iniendorso ni Kris sa anniversary issue ng said magazine.

Negosyo ito, ‘no! In short, pera-pera lang. Naku, naniniwala ba kayong thru text votes iyon? Mga bulag ba ang mga nag-text. Mga ulol ba sila para linlangin tayong lahat.

“Kahit bagong panganak na bata ay alam kung sino ang maganda at kung sino ang very light lang ang kagandahan. Ang tunay na maganda ay yung tulad nina Lorna Tolentino, Alma Moreno, Charo Santos and the likes na kahit bagong gising at walang make-up ay sobrang gaganda.

Hindi si Kris, ‘no! Have you seen her without make-up? Naku, hindi niyo siya makikilala. I swear by my father’s grave,” anang isang malditang kaibigan.

Hay naku, hayaan ninyo, pag yumaman ako at maging powerful one day, kahit baku-bako ang fez ko, pipilitin ko silang gawin akong Most Beautiful Star din sa panahong iyon.

Give na lang ako ng maraming dahtung ha. Wala lang kukontra.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending