Jennylyn, Dennis nag-iiwasan sa taping ng bagong teleserye | Bandera

Jennylyn, Dennis nag-iiwasan sa taping ng bagong teleserye

Reggee Bonoan |July 30,2015
facebook
share this

Jennylyn, Dennis nag-iiwasan sa taping ng bagong teleserye

Reggee Bonoan - July 30, 2015 - 02:00 AM

dennis trillo

Mukhang masyadong nag-iingat sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa kanilang mga kilos dahil hindi naman daw sila gaano nagpapansinan sa taping ng serye nila sa GMA 7, ayon mismo sa source namin.

“Si Dennis, walang kibo, hindi mo matantiya kung ano iniisip, okay sila kapag magkasama na sa eksena, after that, kanya-kanyang punta sa tent.

“Hindi lang namin alam kung pumupunta si Dennis sa tent ni Jennylyn, hiwalay kasi ang tent ng boys,” kuwento ng aming source na madalas dumalaw sa taping ng dalawa.

Ilang sources pa ang napagtanungan namin tungkol kina Dennis at Jen, pero iisa ang sagot nila, wala raw silang nakikitang sweetness sa dalawa, baka nga totoo rin naman ang sinabi ng aktres na magkaibigan muna sila?

Baka nga totoong mas priority ngayon ni Jen ang career niya lalo’t dalawang pelikula ang sabay niyang ginagawa, ang “Walang Forever” nila ni JM de Guzman at ang “PreNup” nila with Sam Milby.

Sana nga ang susunod na magiging boyfriend ni Jennylyn ay sa simbahan na ang tuloy. At sana nga kung totoong sila na uli ni Dennis ay pa- ngatawanan at panindigan na siya ng aktor.

Kailangan bago siya pumayag magpabuntis kay Dennis ay kasal na sila para naman may panghahawakan siyang security.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending