Horoscope July 30, 2015 | Bandera

Horoscope July 30, 2015

Madam Sophia |July 30,2015
facebook
share this

Horoscope July 30, 2015

Madam Sophia - July 30, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Tumatanda ka na, hindi mo ba napapansin? Paglaanan ng maraming pera ang iyong kinabukasan! Sa pag-ibig, ipalasap na ngayon sa kasuyo ang pinakamasarap na pagmamahal at romansa. Mapalad ang 3, 6, 18, 23, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam.” Green at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Kahit anong pagsubok ang dumating hindi na mapipigil, ang tuloy-tuloy na pagyaman! Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa isang Sagittarius na topakin. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 29 at 37. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Padma-Om.” Violet at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa pinansyal, tandaang hindi uubra ang bait, dahil ang pagiging mabait ay hindi nagpapayaman. Sa pag-ibig, isang tao lang ang dapat pakitaan ng tunay na kabaitan – ang kasuyong Virgo. Mapalad ang 6, 9, 16, 25, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhanah-Om-Dhosya.” Green at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Laging maglagay ng old silver coin sa bulsa o wallet. Ang talismang nabanggit ang hahatak ng mas maraming salapi at maligayang pag-ibig. Mapalad ang 5, 17, 23, 29, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghoh-Phalah-Goh.” Bukod sa silver buenas din ang blue.

Cancer – (June 22- July 22)—Maraming suwerteng bagay ang matatanggap kung lagi kang lalabas ng bahay. Sa mga social gathering magkakamal ng maraming salapi. Sa pag-ibig, sa isang nilalang na lagi sa kalsada, matatagpuan ang true love. Mapalad ang 1, 4, 9, 29, 38, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Apo-Roque-Apo-Roque.” Green at orange ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Kahit may dumating na malaking halaga ng salapi, matuto paring mag-tipid upang may mahugot sa sandali ng kagipitan. Sa pag-ibig, paglaanan ng pera ang palahinging kasuyo. Mapalad ang 1, 10, 16, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Bastan-Om.” Red at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Ano ang halaga ng salapi kung nakuha naman sa masamang paraan? Sa pag-ibig, mag ingat may babala na dadayain ka rin ng iyong kasuyo. Mapalad ang 6, 18, 23, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Gray at beige ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Sa malayong lugar, malaking halaga ng salapi ang kikitain! Tama ang mungkahi ng kasuyo, posible nga kayong makapag-abroad na dalawa, kung sisimulan na ang pag-aaplay sa ngayon. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yosoda-Om.” Magenta at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi tatanggi ang minamahal, sa anomang uri ng romansang ilalatag mo mamayang gabi. Sa pinansiyal, isang ka-dugo ang mag-aabot ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 4, 19, 28, 35, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Yellow at green ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag mag bago ng pasya, sapagkat kung lagi kang nagbabago ng isip sa bandang huli, wala ng maniniwala sayo. Sa pag-ibig, kung talagang mahal mo ang kasuyo, susundin mo ang kanyang gusto upang kapwa kayo lumigaya. Mapalad ang 3, 15, 25, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Phat-Shanti-Om”. Pink at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Huwag titigil hangga’t hindi yumaman! Sa pag-ibig, hindi dapat i-priority ang emosyon, ang mas mahalaga kung paano magkakamal ng limpak-limpak na salapi! Mapalad ang 8, 15, 24, 28, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Aumtan-Om.” Yellow at violet ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa sandaling pinag-isipang mabuti kung paano yayaman, simpleng-simpleng magagawa mo ito. Sa pag-ibig, habang nararahuyo sa pagmamahal, dapat ding isipin ang kinabukasan. Mapalad ang 4, 13, 12, 21, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Red at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Tapusing mabilis ang anomang ginagawa upang magkaroon ng “free time” sa mga gawaing magdadagdag ng kita. Sa pag-ibig, wag hawahan ng katamaran ang kasuyo, panahon na upang pareho kayong magpaka-sipag upang yumaman. Mapalad ang 7, 14, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Arjuna-Om-Govinda.” White at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending