"Single mom" na muling uunlad (2) | Bandera

“Single mom” na muling uunlad (2)

Joseph Greenfield |July 29,2015
facebook
share this

“Single mom” na muling uunlad (2)

Joseph Greenfield - July 29, 2015 - 02:46 PM

Sulat mula kay Lorena ng San Vicente, Liloan, Metro Cebu
Problema:

1. Mula nang iniwan ako ng aking asawa nitong nakaraang February ay naging hirap na hirap na kami sa buhay. Ako lang kasi mag-isa ko ang bumubuhay sa aking isang anak na babae kaya nag- kabaon-baon ako sa mga pagkakautang. Nagtitinda lang kasi ako sa palengke ng sari-saring mga gulay, na hindi naman sapat ang kinikita ko para mapag-aral ko ang aking anak.

2. Kaya naisipan ko sa inyong magtanong kung may pag-asa pa kayang umunlad kahit na nag-iisa lang akong nagtataguyod sa anak ko. May pag-asa din kaya na makapag-asawa pa akong muli o kaya naman’y makapag-abroad o kaya naman’y mapalago ko ang aking munting negosyo gulayan? Sana ay mapayuhan nyo ako kung ano ang dapat kong gawin upang makaahon kami ng anak ko sa kahirapan? October 23, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Lorena ng Metro
Cebu
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing ang lalaking tutulong sa iyo upang muli mong mapalakas ang iyong negosyo sa palengke ay isinilang sa zodiac sign na Aquarius. Sa sandaling dumating siya sa buhay mo ay ang hudyat na unti-unti ka nang makaka-ahon sa kahirapan.

Numerology:
Ang birth date mong 23 ay nagsasabing ang lalaking tutulong sa iyo na medyo kayumanggi ang kulay ng balat ay sinilang sa birth date na 5 o kaya’y 14, na sa kasalukuyan ay may puwesto din sa palengke.

Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang suwerte at ma- gandang kapalaran kapag muling lumakas na ang tindahan mas makabubuting gumamit kang lagi ng kulay na pula. Ang nasabing kulay ang lalo pang magdadagdag sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran.

Huling payo at paalala:
Ayon sa iyong kapalaran, Lorena, sadyang magiging mapalad ka sa pagpasok na pagpasok ng susunod na buwan ng Setyembre. Sa panahong ito ay darating na ang tulong sa iyo mula sa isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius, na may initila na A.J. Siya ang mag-aahon sa iyo sa kahirapan, magbibigay sa iyo ng puhunhan, upang muling lumakas ang tindahan mo ng gulay hanggang sa bandang huli sa 2017 tiyak ang magaganap. Sa edad mong 28 pataas ay siya na rin ang mapapangsawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending