Cook nanalo ng P37M jackpot sa Lotto 6/42 | Bandera

Cook nanalo ng P37M jackpot sa Lotto 6/42

Leifbilly Begas |July 29,2015
facebook
share this

Cook nanalo ng P37M jackpot sa Lotto 6/42

Leifbilly Begas - July 29, 2015 - 01:57 PM

Lotto 6/42

Lotto 6/42


Magtatayo ng karenderia ang 41-anyos na cook na nanalo ng P37.9 milyong jackpot prize sa Lotto 6/42 noong Hunyo 23.
Ang nanalo ay tumaya ng P20 at nag-iisang nakakuha ng mga numerong 9-18-27-29-32-37. Ang numero ay kinuha umano siya sa kanyang cellphone.
Siya ay may-asawa at apat na anak. Sila ay nakatira sa Paranaque.
Umuupa lamang sa isang squatter’s area ang nanalo kaya siya ay bibili ng sariling bahay at lupa. Inilarawan niya ang kanyang buhay na ‘Isang kahig, isang tuka’.
“Kaya ‘pag may sobra sa kita ko, tinataya ko po agad sa lotto dahil ito lang ho ang alam ko na maaaring maghango sa amin sa kahirapan ng buhay,” saadng nanalo ng kunin niya ang premyo kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II.
May 15 taon na umano siyang nagluluto kaya magtatayo siya ng karenderia bilang negosyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending