Aiko rumampa kasama ang bagong Spanish boyfriend | Bandera

Aiko rumampa kasama ang bagong Spanish boyfriend

Ervin Santiago |July 29,2015
facebook
share this

Aiko rumampa kasama ang bagong Spanish boyfriend

Ervin Santiago - July 29, 2015 - 02:00 AM

aiko melendez

Speaking of Aiko Melendez, pinagkaguluhan ng press ang Kapamilya actress sa anniversary ng YES dahil kasama nito ang kanyang rumored boyfriend na isang Spanish.

Inamin ni Aiko na masaya siya ngayon sa kanyang personal life dahil meron na nga uling nagpapaligaya sa kanya. Ayon kay Aiko, hindi pa raw sila official na magdyowa, “We’re dating.

Pero wala pang serious commitment. But I’m happy kapag kasama ko siya, he makes me smile!”
Mabait at maalalahanin daw ang guy kaya nagustuhan niya ito.

Hindi lang namin nakuha ang pangalan nito pero sey ni Aiko mukhang sa isang seryosong relasyon na nga mauuwi ang kanilang special friendship.

In fairness, mukhang masaya nga ngayon si Aiko dahil ang ganda-ganda ng aura niya, as in fresh na fresh ang dating! At bukod pa riyan, ang seksi-seksi na niya uli.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending