Kumpirmado: Wowowin ni Willie sa GMA babu na | Bandera

Kumpirmado: Wowowin ni Willie sa GMA babu na

Cristy Fermin |July 28,2015
facebook
share this

Kumpirmado: Wowowin ni Willie sa GMA babu na

Cristy Fermin - July 28, 2015 - 08:50 PM

willie revillame

Huling episode na ng Wowowin ang napanood nu’ng Linggo nang hapon. Pero hindi dapat malungkot ang mga tagasuporta ni Willie Revillame.

Mawala man ang lingguhan niyang programa ay hindi pa rin niya iiwan ang kanyang mga tagahanga. Pansamantala lang ang kanyang pamamahinga, may nangyayaring transaksiyon ngayon sa pagitan niya at ng GMA 7, ang lingguhang programa ni Willie ay may posibilidad na maging pang-araw-araw na.

Mula nu’ng May 10 ay naging maganda ang pagtanggap sa Wowowin ng ating mga kababayan. Nagre-rate ang kanyang show, may mga panahon pa ngang napakalaki ng kalamangan sa rating ng show ni Willie sa mga programang dinatnan na niya, pero hindi naman rating lang ang kailangan niyang bigyan ng kunsiderasyon sa pagpoprodyus ng show.

Naghahanap ngayon ng magandang oras ang network para sa kanyang programa, ang alas tres y medya nang hapon ay hindi oras para sa isang variety-game show, ‘yun ang ginagawan ngayon ng solusyon ng kanyang istasyon.

Pero hindi tinanggal si Willie, kung ang mga ehekutibo nga ng GMA 7 ang masusunod ay puwede niyang ituloy-tuloy ang kanyang Sunday show, pero si Willie na ang nagdesisyong maghintay ng takdang panahon para sa pag-ere ng Wowowin nang araw-araw.

Mas maliligayahan ang ating mga kababayan kapag araw-araw na nilang nakasama si Willie Revillame na tulad nang dati.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending