'E, di wow' ni PNoy sinagot ni Binay ng 'wow na wow naman 'yun' | Bandera

‘E, di wow’ ni PNoy sinagot ni Binay ng ‘wow na wow naman ‘yun’

|July 28,2015
facebook
share this

‘E, di wow’ ni PNoy sinagot ni Binay ng ‘wow na wow naman ‘yun’

- July 28, 2015 - 03:58 PM

“WOW na wow naman ‘yun.”

Ito ang naging sagot ni Vice President Jejomar Binay sa patama ni Pangulong Aquino laban sa kanya matapos ang ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) Lunes.

“Merong isang bahagi doon palagay ko hindi naman ako pinatutungkulan ‘nun. Kasi ang pagkakasabi meron diyan nagsasalita na giginhawa ang bayan pero ang salita lage ay basta, basta. Wow na wow naman ‘yun,” sabi ni Binay.

Sa kanyang talumpati, binatikos ni Aquino ang mga kritiko na ayaw kilalanin ang kanyang Tuwid Na Daan.

“Sa mga medyo may edad po, ang isasagot dito, ‘Ah ganun?’ Sabay taas ng kilay. Para naman sa kabataan, iba na raw po ang tugon nila sa ganoong pahayag, iba na daw po ang uso ngayon eh: ‘E di wow!’,” sabi ni Aquino sa kanyang SONA.

Nauna nang sinabi ni Binay na magsasagawa siya ng kanyang sariling SONA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending