B-day ni Claudine pinasaya ng pamilya Barretto; Greta dedma | Bandera

B-day ni Claudine pinasaya ng pamilya Barretto; Greta dedma

Ervin Santiago |July 21,2015
facebook
share this

B-day ni Claudine pinasaya ng pamilya Barretto; Greta dedma

Ervin Santiago - July 21, 2015 - 03:00 AM

CLAUDINE BARRETTO

CLAUDINE BARRETTO

SIGURADONG maligayang-maligaya si Claudine Barretto sa pagdiriwang ng kanyang 36th birthday kahapon dahil muli niyang nakasama ang kanyang pamilya, kasama na riyan ang nakaaway niyang kapatid na si Marjorie Barretto.

Nauna rito, nagkabati na ang mag-sister sa debut ni Julia Barretto, anak ni Marjorie. At may chika na sina Marjorie naman at si Gretchen ang magkaaway ngayon.

Sa ginanap na salubong para sa kaarawan ni Claudine noong Linggo ng gabi, ay present si Marjorie, at ang mga pamangkin ni Claudine na sina Julia, Claudia at Dani Barretto. Kapansin-pansin naman na wala roon si Gretchen kaya ang paniwala ng mga followers ni Claudine ay hindi pa rin nagkakaayos ang magkapatid.

Ilang litrato ang ipinost ni Claudine sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang bonding moments nila ng kanyang pamilya. Isa sa mga picture nila ni Marjorie ang nilagyan niya ng caption na: “Im so thankful for this day. @marjbarretto!”

Sa larawan naman kung saan kasama ni Claudine ang kanyang mga pamangkin, nilagyan niya ito ng caption na: “Love overload with my Babies! @juliabarretto @claudiabarretto @danibarretto!”

Meron ding kuha si Claudine kasama ang kanyang mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto, ang brother niyang si Mito, ang sister-in-law niyang si Connie, at iba pang pamangkin. Nandoon din siyempre ang mga anak nina Claudine at Raymart Santiago na sina Sabina at Santino.

At dahil nandoon nga sa selebrasyon si Marjorie, ibig sabihin nagkaayos na rin sila ng kanyang magulang. Kung matatandaan nagkaroon din ng hindi pagkakaintindihan ang aktres at ang kanyang parents noong kasagsagan ng away nila ni Claudine.

Samantala, nu’ng gabi ring ‘yun ay nag-post din si Marjorie sa kanyang Instagram account ng ilang litrato nila ni Claudine.

Narito ang mensahe niya para sa kapatid, “They say time heals all wounds.. But for the deeper and more painful wounds, I know only God in all his mighty power can heal my heart and Claudine’s. I realized last night, that God is greater and bigger than all the pride and unforgiveness we both had for each other.

“Happy Happy Birthday Claudine! May this year be all about doors of oppurtunities opening up for you, lots of work, love and laughter!” dugtong pa ni Marjorie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, busy si Claudine sa shooting ng comeback movie niyang “Etiquette For Mistresses” with Kris Aquino and Kim Chiu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending