Ejay, Ellen walang ginawa kundi maglaplapan | Bandera

Ejay, Ellen walang ginawa kundi maglaplapan

Ervin Santiago |July 15,2015
facebook
share this

Ejay, Ellen walang ginawa kundi maglaplapan

Ervin Santiago - July 15, 2015 - 02:00 AM

ejay falcon

Inamin ni Ejay Falcon na mas naging close pa sila ngayon ng kanyang leading lady sa Pasion de Amor na si Ellen Adarna. Pero hindi naman daw ibig sabihin ay nililigawan na niya ang dalaga.

Natutuwa si Ejay dahil maraming sumusuporta sa loveteam nila ng sexy actress sa kanilang serye, “Yung sa amin ni Ellen, sobra. Merong, ‘Bagay na bagay kayo ni Ellen, magtukaan kayo, magpakasal na kayo.’

“Yun kasi ang characters namin ni Ellen, laging my kissing scene, may love scene. So yun, pero alam kong marami ang sumusuporta du’n sa loveteam namin ni Ellen.

Kasi kapag nagbabasa ako, kahit du’n sa I Want TV, nagugulat ako. ‘Meron pala kaming chemistry?’ May following pala kami, ganu’n,” chika ni Ejay sa presscon kamakailan ng Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid na pagsasamahan nila ni Alex Gonzaga.

Sey ni Ejay, maalaga lang daw talaga siya sa kanyang ka-partner, “Kahit sino talagang leading lady, kailangan mong maging malapit.

“Kailangan mong alagaan, kailangan mong maging gentleman sa kanya, kailangan mong alalayan sa lahat ng bagay.

“Mapapalapit ka talaga, hindi mo maiiwasan. Ang tanong, kung liligawan mo o magiging kayo, yun. Pero kami ni Ellen, sobrang close talaga, na kulang na lang, ‘Oy, amoy ano ka, parang amoy-sardinas ‘yang bibig mo.’

“Yung tipong ganu’n na hindi kami conscious na, ‘Magki-kiss tayo, amoy-sandinas ‘yang bibig mo. O kumain ka ng sinangag?’ Yung mga ganu’ng usapan na hindi kami conscious talaga,” chika pa ng Kapamilya hunk actor.

Nagpasalamat din si Ejay sa mga fans niya pumupuri sa kanyang akting, pati na rin sa mga netizens na humahanga sa kanyang magandang katawan. “Kasi sa Instagram, sa Twitter, sa Facebook, sa lahat, minsan may nagpa-private message.

Parang, ‘You’re so hot, you’re so sexy,’ yung mga ganu’n. Para sa akin, parang, ‘Thank you, thank you,’ kasi naa-appreciate nila yung pinaghihirapan ko.”

Samantala, ngayon pa lang ay excited na si Ejay sa pagsasamahan nilang proyekto ni Alex, ito ngang Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid na siyang papalit sa My Kung Fu Chinito nina Enchong Dee at Richard Yap na napapanood pa rin tuwing Linggo sa ABS-CBN.

Chika ni Ejay sa unang pagtatambal nila ni Alex, “Masaya ako kasi may bago naman akong kakilala, bagong kaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“May bago akong matututunan kay Alex kasi, magkaiba kami ng ginagawa, e. Siya kasi, more on comedy, romcon, ako dun ako sa sexy-drama-action, so, heto, pinagtagpo kami dito sa Wansapanataym, na magkaibang genre kaming pinanggalingan.

“Pinagsama kami, at masaya ako dahil alam kong masaya siyang katrabaho,” sabi pa ng binata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending