Nanalo ng P16M sa lotto dahil sa bday ng syota | Bandera

Nanalo ng P16M sa lotto dahil sa bday ng syota

Leifbilly Begas |July 12,2015
facebook
share this

Nanalo ng P16M sa lotto dahil sa bday ng syota

Leifbilly Begas - July 12, 2015 - 02:36 PM

super lotto
Isang social worker mula sa Quezon City ang nag-uwi ng P16 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola noong Hulyo 12.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office nakuha ng nanalo, 27, ang mga numerong 5-11-21-24-32-42 sa kaarawan ng babae na kanyang pakakasalan.
May limang taon na umano siyang tumataya sa lotto. Nagkakahalaga ng P20 ang kanyang taya ng manalo.
Plano niyang magbigay ng donasyon sa simbahan, bahagian ang kanyang mga magulang at kamag-anak at magtabi para sa hinaharap.
Kinuha niya ang kanyang premyo kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending