‘Best Friend’ ni Janella sa ‘Oh my G!’ nagbigti | Bandera

‘Best Friend’ ni Janella sa ‘Oh my G!’ nagbigti

Ervin Santiago |July 09,2015
facebook
share this

‘Best Friend’ ni Janella sa ‘Oh my G!’ nagbigti

Ervin Santiago - July 09, 2015 - 02:00 AM

janella salvador

NAG-SUICIDE sa pamamagitan ng pagbibigti ang 15-year-old Kapamilya youngstar na si Julia Louise Buencamino, anak ng showbiz couple na sina Nonie at Shamaine Buencamino.

Regular na napapanood ang dalagita sa daytime series ng ABS-CBN na Oh My G! kung saan gumaganap siyang best friend ng bida sa serye na si Janella Salvador.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis na rumesponde sa tahanan ng mga Buencamino, natagpuan si Julia ng kanilang kasambahay na nakabitin mula sa kisame ng kanilang bahay sa Quezon City bandang alas-8 ng gabi, nitong nakaraang Martes, July 7.

Isinugod pa si Julia sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sa report ng ABS-CBN, nakiusap ang tatay ni Julia na si Nonie sa mga pulis na huwag nang ituloy ang imbestigasyon dahil naniniwala siyang nagpakamatay nga ang kanyang anak.

Si Julia ay bunso sa apat na anak nina Nonie at Shamaine. Kahapon, bumaha ng pakikisimpatya sa pamilya Buencamino mula sa mga kaibigan at kakilala ni Julia in and out of showbiz.

Kasabay nito ang pagkalat ng isa sa mga selfie photo niya na kanyang ipinost sa Instagram na may caption na: “Are you over promstuck yet? The answer is no. awesome shot and minor edits by abi, as usual.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa rin nag-iisyu ng official statement ang pamilya ni Julia tungkol sa malungkot na insidente at kung ano ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending