Horoscope, July 8, 2015 | Bandera

Horoscope, July 8, 2015

Madam Sophia |July 08,2015
facebook
share this

Horoscope, July 8, 2015

Madam Sophia - July 08, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Gawing oportunidad ang mga problemang upang yumaman. Mag-isip ng paraan upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, paparating na ang tag-ulan pero lalong iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at white ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansiyal, kung magpapaganda kang lagi ay mas maraming kliyente ang maaakit. Sa pag-ibig, kung maliligo araw-araw ay matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Krisna-Om.” Red at orange ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Kahit mahilig kumontra ang kasuyo ay hindi dapat i-itsapuwera ang kanyang opinyon sapagkat sa pakikinig at pagsunod sa suhestyon ng kasuyo, siya pa ang maging daan upang lalong umunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 3, 12, 18, 33, 41, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Beige at maroon ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Upang mas madaling matupad ang mga pangarap ay isulat sa typewriting at ipaskel sa dingding ang iyong layunin. Sa ganyang paraan, five years from now ay matutupad nang kusa ang mga pangarap na isinulat mo sa papel. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Gray at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Ang pagdadalawang-isip ang magdadala sa kabiguan. Kikita ng malaking halaga kung ikikilos agad ang unang maiisip. Sa pag-ibig, wag pag-alinlanganan ang pag-ibig ng kasuyong Scorpio. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Green at purple ang buenas.

Leo – (July23 – August 22)—Ito ang pinakatamang pagkakataon upang daigin ang iba. Ituloy ang binabalak na negosyong may kaugnayan sa modernong teknolohiya. Sa pag-ibig, pagtiyagaan ang kasuyong Aries kesa manatiling zero ang love life. Mapalad ang 4, 17, 28, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Om.” Orange at maroon ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Mag-ipon ng maraming pera sapagkat ang salapi ay makapangyarihan. Ang maraming-maraming pera ang magdudulot ng “total happiness at complete security.” At kapag marami ka nang savings o pera, makakadama ka na rin ng “inner peace of mind.” Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Miraculum.” Black at emerald green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Sa pag-ibig, lagyan ng dagdag na kilig ang bawat araw. Bagong istilo ng romansa ang dapat maimbento upang lalo pang sumigla ang pakikipagrelasyon sa isang Aquarius. Sa pinansyal, pigilin ang sarili na mangutang nang mangutang. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi darating ang suwerte kung puro hintay lang ang iyong ginagawa. Damihan ang pagkilos na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang matiyagang pakikipagbolahan sa kasuyong nagpapa-hard to get. Mapalad ang 1, 14, 23, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Opera.” Silver at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kahit luhaan sa pang-emosyonal na aspeto ng buhay, sa materyal na bagay tuloy ang dating ng magandang kapalaran. Upang makatagpo ng true love, isaalang-alang silang isinilang sa buwan ng Mayo na may birth date na 3, 12, o kaya’y 21. Mapalad ang 3, 12, 21, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Violet at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Disiplinahin ang sarili upang lumusog at sumeksi. Iwasan ang katakawan upang hindi maging chubby. Sa pag-ibig at salapi, kasaganaan at maligayang relasyon ang hatid ng isang Virgo. Mapalad ang 4, 13, 15, 24, 31, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Lilac at black ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig, hindi totoong masaya at masarap ang marami. Panatiliin ang pagiging tapat sa kasuyong Gemini. Sa pinansyal, imbes na kung saan-saan lang tinatapon ang pera, pahalagahan ang pamilya. Mapalad ang 5, 22, 32, 41, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Bhakti-Bhakti-Hare.” Blue at beige ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ingatan ang natitirang salapi dahil kapag nasimot iyan, maghahanap ka na naman ng mauutangan. Huwag gastos nang gastos nang walang kabuluhan. Sa pag-ibig, ipatago ang hawak na pera sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 7, 10, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Apple green at black ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending