Arnell inatake ng depresyon, problemado sa lalaki | Bandera

Arnell inatake ng depresyon, problemado sa lalaki

Cristy Fermin |July 07,2015
facebook
share this

Arnell inatake ng depresyon, problemado sa lalaki

Cristy Fermin - July 07, 2015 - 02:00 AM

arnel ignacio

Umuwi kami sa probinsiya nu’ng Biyernes. Tatlong linggo kaming hindi nakauwi sa aming nayon dahil sa aming mga kompromiso dito sa siyudad.

Masarap makipagtipan sa kalikasan, kailangan natin ‘yun para mabalanse ang ating sistema, hindi puro trabaho lang nang trabaho.

Sa nayon ay malamig at sariwang hangin ang aming nalalanghap, mga sariwang gulay na walang kemikal ang aming pinagpipistahan, walang kasingsarap ang buhay sa baryong aming kinalakihan.

Gusto raw sumugod sa aming baryo ni Arnell Ignacio, may mahalaga raw sasabihin sa amin ang magaling na komedyante-TV host, may kinalaman kaya ‘yun sa kanyang lovelife?

May problema ba sila ni Ken Psalmer, ang baguhang singer na kailan lang ay inalok pa niya nang panghabambuhay na relasyon, nauntog kaya sa katotohanan si Arnelli na nagpadalus-dalos siya sa pagdedesisyon nang mag-propose siya kay Ken?

Madalas daw na malungkot ngayon si Arnelli, ayon sa aming mga anak-anakang kaibigan din ng magaling na TV host, ayon kina Richard Pinlac at Rein Cortez ay hindi raw nila carry ang pinagdadaanang emosyonal na problema ngayon ng aming mahal na kaibigan.

Sa kabila ng nakikita naming kaligayahan nu’n ni Arnelli kay Ken ay hindi naman kami nagkulang sa pagsasabi sa kanya na hinay-hinay lang.

Kailangan pa muna niyang makilala nang lubos ang pagkatao ni Ken Psalmer, hindi siya dapat bigay-todo agad, dahil baka natatalo lang siya ng kanyang emosyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending