Herbert: Di kami nagkabalikan ni Kris, barkada na lang muna! | Bandera

Herbert: Di kami nagkabalikan ni Kris, barkada na lang muna!

Julie Bonifacio |July 07,2015
facebook
share this

Herbert: Di kami nagkabalikan ni Kris, barkada na lang muna!

Julie Bonifacio - July 07, 2015 - 02:00 AM

herbert bautista

NAGSIMULA nang maging isa sa mga hurado si Q.C. Mayor Herbert Bautista sa “Funny One” portion ng It’s Showtime last Saturday.

Bukod kay Herbert, judge rin ang mga komedyanteng sina Joey Marquez at Melai Cantiveros. During break ay lumabas ng studio si Mayor Herbert para magyosi with Joey M. Pagkatapos nilang magyosi ay nakatsikahan namin si Bistek.

Napaka-active ng showbiz career ngayon ni Mayor Bistek. Very visible siya on TV at katatapos lang niyang i-shoot ang isang episode sa trilogy movie nila ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

Hindi pa raw niya alam kung magkakaroon siya ng regular show sa ABS-CBN. Depende raw sa Viva na nagma-manage ng kanyang showbiz career ngayon, “Sana,” dasal niya when we said na artistang-artista na siya ulit.

“Kaya sabi nila sa akin kanina, ‘O, bakit ‘yan lang ang suot mo?’ Sabi ko, ‘Swelduhan ninyo muna ako. Wala akong pambili.”

Mabuti na lang at wala pa namang bumabatikos kay Mayor Bistek na napapabayaan niya ang duty niya sa kanyang constituents sa Kyusi dahil sa kanyang showbiz career, “Hindi naman, twuing weekend lang naman ako nasa showbiz like ngayong Sabado,” esplika niya.

May isang term pa si Mayor Bistek to run for Mayor sa Kyusi. Pero hindi pa raw sila nagkakausap ng Viva boss nila na si Vic del Rosario at Speaker Sonny Belmonte.

At hindi pa niya alam kung sino ang makakalaban niya na tatakbo ring Mayor ng QC. Kailangan din daw pag-usapan kung tatakbo pa ring Vice-Mayor ng Kyusi ang anak ni Speaker Belmonte na si Joy Belmonte.

Kahit napanood na si Mayor Bistek sa morning show ng Queen of All Media na si Kris Aquino, ‘di raw ibig sabihin ay start na sila ng shooting ng movie nila para sa Metro Manila Filmfest sa December na “Mr and Mrs. Split” ng Star Cinema.

Uunahin pa raw ni Kris ang movie niya na “Etiquette Of Mistresses” bago ang movie nila ni Bistek. Hindi naman daw naiinip sa paghihintay si Mayor sa shoot ng movie nila ni kay Kris dahil busy din daw siya sa Kyusi, “Pero hindi ko lang alam kung matutuloy ‘yung sa Tuesday (today).

Pero pang-feng shui lang ‘yun,” sabi niya. Nilinaw din ni Bistek sa amin na hindi naman daw niya tinanggihan ang offer sa kanya bilang guest co-host ni Kris sa morning show niya.

Nagpunta raw kasi siya sa Amerika at um-attend sa mga conference. Syempre, kinuha rin namin ang reaksyon ni Bistek sa sinulat namin dito na ang advice kay Kris ng mga mister ng mga kaibigan niyang babaeng Mayor na pahirapan siya ng Queen of All Media.

“Hindi ko alam ‘yun. Mukhang hindi naman,” ngiti ni Mayor Bistek. “Nu’ng nag-taping kami (sa Kris TV) okey naman.”

Diretso namin siyang tinanong kung nagbalikan na ba sila ni Kris, “Hindi naman. He-hehehe! Wala, trabaho lang muna ‘yun.”

Tinanong din namin siya kung trabaho lang at walang personal sa kanila ni Kris, “Wala kaming romance. Okey naman kami, ganoon na lang siguro muna.

Barkadahan lang, ‘yun ang importante. Friends lang muna. Kasi kapag wala ‘yung feeling ng barkadahan, wala rin.”

Ipu-pursue pa rin ba niya ang kanyang pag-ibig kay Tetay? “Hindi ko alam, basta barkadahan lang muna.”

Nakausap din namin ang dating Mayor ng Parañaque na si Joey Marquez while on break sa pagdya-judge niya sa It’s Showtime last Saturday.

Biniro namin siya na buti walang tumtukso sa kanila ni Mayor Herbert Bautista bilang mga judge sa “Funny One’” bilang mga “ex” ni Kris Aquino.

Nangiti lang si Joey M at hindi sumagot. Syempre nga naman past is past na. Ngayon pa ba siya magko-comment on Kris and Mayor Bistek when everything is going good sa kanyang career sa ABS-CBN?

Katatapos lang ni Joey sa matagumpay na seryeng Forevermore bilang tatay ni Liza Soberano. And then, isang napakaespesyal na episode ang ibinigay sa kanya sa longest drama anthology in Asia, ang Maalaala Mo Kaya, na ipinalabas last Saturday.

Muling nailabas ni Joey ang kanyang husay sa pag-arte on heavy drama sa mga eksena nila sa MMK with Patrick Garcia. Nag-trending ang “#stepdad” na episode na ‘yun ni Joey sa social media last Saturday.

Si Raz dela Torre ang director ng nabanggit na episode at mula sa panulat ni Benjamin Benson Logronio. Kwento ng isang anak at ng kanyang amain ang episode na nilabasan nina Joey at Patrick sa top-rating drama anthology sa bansa.

Sa kabila nang pag-iwan sa kanya ng tunay na ama, lumaki ang karakter ni Patrick na buo at masaya dahil sa pagmamahal ng kanyang ina na si Marciana (Ara Mina) at ng tumayo bilang ikalawa niyang tatay na si Renato.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero nasira ang magandang samahan ng kanilang pamilya nu’ng biglang namatay si Marciana. Hindi na matandaan ni Joey kung kailan ang huling episode na ginawa niya para sa Maalaala Mo Kaya.

Pero ang alam niya nakakatatlong episodes na siya sa programa ni Charo Santos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending