Magbayaw nagduwelo; patay | Bandera

Magbayaw nagduwelo; patay

|July 06,2015
facebook
share this

Magbayaw nagduwelo; patay

- July 06, 2015 - 03:04 PM

gun16
PATAY ang magbayaw matapos magduwelo sa Barangay Cairohan, Bingawan, Iloilo ganap na alas 6:45 ng gabi noong Linggo.
Kinilala ang mga nasawi na sina Julie Castor, 37, at bayaw na si Rodolfo Cagunda, kapwa may-asawa at residente ng barangay.
Sinabi ni Bingawan police chief Senior Inspector Jorgen Suegay na nag-iinuman sina Castor at Cagunda sa bahay ni Castor nang mangyari ang insidente.

Ayon sa ulat, hinihingi ni Cagunda kay Castor ang kanyang parte na P500 na tulong para sa mga biktima ng Supertyphoon Yolanda. Dito na nagtalo ang dalawa, na naging dahilan para kumuha ng itak si Castor at tagain si Cagunda ng maraming beses.
Nagawa naman ni Cagunda na makapagbunot ng cal.-38 revolver at binaril si Castor sa kanyang kaliwang dibdib.
Kapwa sila dinala sa Ricardo Y. Provido Memorial District Hospital sa kalapit na bayan ng Calinog ngunit kapwa silang idineklarang dead on arrival.
Narekober ng mga pulis ang cal.-38 revolver na may tatlong bala, tatlong basyo ng bala at ang itak sa pinangyarihan ng krimen.
Ang Bingawan ay tinatayang 60 kilometro ang layo mula sa Iloilo City. Isa ito sa mga bayan sa Iloilo na pinakamatinding tinamaan ng bagyong Yolanda noong 2013. Inquirer

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending