Rey Valera naipaayos ang bahay, napag-aral ang mga anak dahil sa 'Pangako sa 'yo' | Bandera

Rey Valera naipaayos ang bahay, napag-aral ang mga anak dahil sa ‘Pangako sa ‘yo’

Ervin Santiago |July 06,2015
facebook
share this

Rey Valera naipaayos ang bahay, napag-aral ang mga anak dahil sa ‘Pangako sa ‘yo’

Ervin Santiago - July 06, 2015 - 02:00 AM

rey velera

Alam n’yo ba na dahil sa kantang Pangako Sa ‘Yo ay naipagawa ng Pinoy music icon na si Rey Valera ang kanilang bahay? Ang ibinayad daw sa kanya ng ABS-CBN na royalty para sa nasabing kanta na ginamit na title at theme song ng kanilang serye noon ang ginastos nila para sa renovation ng bahay.

“I really like to thank ABS-CBN for doing this habang buhay pa ako. Alam n’yo, dahil sa binayad nila sa akin for using my song sa unang Pangako Sa ‘Yo, naipagawa ko ang bahay ko.

Heto ngayon, kumikita uli sa bagong version ng Pangako Sa ‘Yo. “Naipatayo ko ang bahay ko dahil sa Pangako Sa ‘Yo song na iyan, just that song lang. Kasi nag-two years sa telenovela iyang first version ng Pangako…

Sana may twenty [years ang remake] para subdivision na ang maipatayo,” ayon kay Rey Valera sa isang interview.  “Ang ‘Pangako sa ‘Yo,’ ang laki ng utang na loob ko.

Ang bahay ko na dating binabaha, kumakain kami na hanggang dito ang tubig sa table. Ngayon pinataas ko na siya and nagiba na yung dating bahay at may bago na akong bahay.

Ang mga anak ko ay nakapag-aral at may kanya-kanya nang pamilya,” sabi pa nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending