Resbak ng dating ka-live in ni Jiro sa Bashers: Walang-wala na siya nu'ng maging kami! | Bandera

Resbak ng dating ka-live in ni Jiro sa Bashers: Walang-wala na siya nu’ng maging kami!

Ervin Santiago |July 06,2015
facebook
share this

Resbak ng dating ka-live in ni Jiro sa Bashers: Walang-wala na siya nu’ng maging kami!

Ervin Santiago - July 06, 2015 - 02:00 AM

jiro manio

NAGSALITA na sa wakas ang dating live-in partner ni Jiro Manio tungkol sa mga chikang siya ang dahilan kung bakit naubos ang pera ng aktor na isa nga sa sinasabing rason kung bakit napariwara ang buhay nito.

Mariing itinanggi ng 20-year-old na dalagang ina na si Reijine na siya ang dahilan kung bakit naghirap si Jiro matapos akusahan ng netizens na manggagamit at siyang rason kung bakit laging inaatake ng depresyon ang dating child star.

Sa report ng TV Patrol nitong weekend, sinabi ni Rejine na kahit kailan ay hindi niya inisahan o niloko tungkol sa pera ang aktor, sa katunayan nu’ng maging sila ay hindi na rin masyadong kumikita ang binatang ama.

“Marami na nabasa na ako daw ang umubos ng pera na Jiro, dahil daw sa akin kaya nagkaganoon si Jiro,” sey ni Reijine “Gusto ko lang talaga linawin na hindi ko alam na nandoon siya, nung magkakilala kami walang-wala na talaga siya kasi kami mismo ng pamilya ko ang tumulong sa kanila,” dagdag pa nito.

Nagulat nga rin daw siya nang malaman niya sa balita ang nangyari kay Jiro sa NAIA Terminal 3 kung saan natagpuan siyang pagala-gala na gutom na gutom at mukhang pulubi.

Sabi pa ni Reijine ipinagdarasal niya na maka-recover agad mula sa matinding depresyon si Jiro at makapagsimula muli sa kanyang buhay.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending