RAIN OR SHINE ITINABLA ANG SEMIS SERIES SA 1-ALL | Bandera

RAIN OR SHINE ITINABLA ANG SEMIS SERIES SA 1-ALL

Barry Pascua |July 05,2015
facebook
share this

RAIN OR SHINE ITINABLA ANG SEMIS SERIES SA 1-ALL

Barry Pascua - July 05, 2015 - 12:00 PM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
5 p.m. Star vs Alaska
(Game 3, best-of-five semifinals)

BUMIRA ng game-clinching triple si Jeff Chan para tulungan ang Rain or Shine Elasto Painters na maungusan ang San Miguel Beermen, 113-110, at itabla sa 1-all ang kanilang 2015 PBA Governors’ Cup best-of-five semifinals series kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Bago ang pampanalong tres ni Chan may 7.6 segundo ang nalalabi sa laban ay tumira muna si Gabe Norwood ng isang 15-foot jumper may 25.1 segundo ang natitira para itabla ang laro sa 110-all.

Hindi naman nakasagot ang Beermen sa huling dalawang offensive play nito.

Si Wendell McKines ay gumawa ng 53 puntos at 17 rebounds para muling pamunuan ang Elasto Painters.

Samantala, pipilitin ng Alaska Milk na kumpletuhin ang pagpapatalsik sa defending champion Star sa pamamagitan ng pagwalis sa kanilang best-of-five semifinals series mamaya sa Araneta Coliseum.

Matapos na tambakan nang husto ang Hotshots sa Game Two, 95-74, pinapaborang makaulit ang Aces sa kanilang alas-5 ng hapon na pagkikita upang makamtan ang unang ticket sa best-of-seven championship round.

Napanalunan ng Alaska Milk ang Game One, 97-91, matapos na makabalik sa 16 puntos na abante ng Star.

Subalit iba ang Game Two dahil hindi na pinaporma pa ng Aces ang Hotshots. Nagtabla sila sa first quarter, 23-all, bago nakuha ng Alaska Milk ang halftime, 47-41. Nagsimulang lumayo ang Alaska Milk sa third quarter, 71-58, bago tuluyang tinambakan ang kalaban sa fourth quarter.

Sinabi ni Alaska Milk coach Alex Compton na muling gumana ang depensa ng kanyang mga bata kung kaya’t nagawa nilang magwagi.

Nakakuha siya ng pambihirang ningning buhat sa mga reserbang sina Nonoy Baclao at Ping Exciminiano na nakatulong ng kanilang import na si Romeo Travis na nagtala ng 19 puntos. Sina Baclao at Exciminiano, na kapwa inaasahan sa depensa, ay gumawa ng tigsampung puntos.

Bukod sa hindi nagmintis sa lahat ng limang titra niya, si Baclao ay humugot din ng limang rebounds sa 17 minuto.

Gumawa naman ng dalawang triples si Exciminiano bukod sa dalawang rebounds at dalawang assists sa 14 minuto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagtapos din ng may double figures si Calvin Abueva na nagtala ng 11 puntos bagamat hindi nagkaroon ng mahabang playing time bunga ng foul trouble.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending