Aljur ayaw nang makipagbalikan kay Kylie, iwas muna sa babae | Bandera

Aljur ayaw nang makipagbalikan kay Kylie, iwas muna sa babae

Jobert Sucaldito |July 05,2015
facebook
share this

Aljur ayaw nang makipagbalikan kay Kylie, iwas muna sa babae

Jobert Sucaldito - July 05, 2015 - 02:00 AM

kylie padilla

NAGKITA kami ni Papa Aljur Abrenica sa Master Showman studio ng GMA 7 nung dalawin ko ang alaga kong si Michael Pangilinan sa taping last Friday.

Of course, isa rin sa main purpose ko sa pagpunta roon ay ang masilayan muli ang mahal kong kaibigang si Kuya Germs whom I haven’t seen for a while mula nang siya makalabas sa hospital a few months ago.

We haven’t been in touch since then — the last time was during the Papal visit dahil paglapag ng plane ni Pope Francis that afternoon ay tamang-tamang nasa loob kami nina Michael and musical director Butch Miraflor ng hospital room ni Kuya Germs sa St. Luke’s Medical Center sa Q.C.

Since then ay nakibalita na lang ako about his health condition. Nang mabalitaan kong he’s back to work ay naisipan kong dumalaw. Medyo nahihirapan pa rin si Kuya Germs na mag-host but he’s trying.

Everyone’s on his toes tuwing nakasalang siya, nandoon pa rin yung glow ng pagiging masayahing host niya pero dala ng kaniyang sitwasyon ay nabawasan lang ito ng energy.

Pero oks lang iyon – iba pa rin ang presence ni Kuya Germs sa Walang Tulugan. Kasama ko sa tsikahan during the taping was GMA 7 officer Joey Abacan na mukhang inspired and glowing ang beauty. Ha-hahaha!

Isa sa special guests ni Kuya Germs sa taping was my Papa Aljur Abrenica na nag-promote ng kaniyang album. Ang ganda ng carrier single ng hunk nating ito — “Bakit Ganoon Ba?” ang title ng song? During break ay nagkakuwentuhan kami nina Michael and Papa Aljur sa smoking area sa labas.

Nakarating sa akin na nagbabalak palang manghingi ng apology ang mahal nating hunk actor sa pamunuan ng GMA 7 na nakatampuhan niya for a while.

“I will be doing it very soon — sooner than expected siguro. Okay lang naman sa akin — hindi naman masamang magpakumbaba sa mga boss — not because they are my bosses pero dahil parang mga magulang na namin sila sa industry, di ba? I don’t see anything wrong with that.

I am better now that I am back,” ani Papa Aljur na mukhang masaya naman talaga sa kaniyang estado ngayon sa network.
Right now, marami siyang guestings sa iba’t ibang shows ng GMA 7 and he is shooting a filmfest entry — ang “Hermano Pule” with Alessandra de Rossi.

Dito makikita ang kahusayan ni Papa Aljur as an actor. I guess tapos na ang movie na pinagsamahan nila ni Rocco Nacino, “Mandirigma” yata ang title. Happy si Papa Aljur – period.

How about his lovelife? Me pagbabalikan pa kayang maganap sa kanila ni Kylie Padilla na napabalitang nakipag-break na rin sa recent BF nito?

“Wala na. Magkaibigan na lang kami ni Kylie. Mas maganda ang friendship namin ngayon. Kahit siya rin naman ay mukhang happy being single. Nalagpasan na namin ang kabanatang iyon sa buhay namin.

Tsaka hindi ko na hinahanap for now ang lovelife. Naka-focus ako sa career ko ngayon. Tsaka na iyan,” ani Papa Aljur na walang ginawa kungdi ang makipagkulitan with his stylist na si Joms and Michael P.

Masaya ako sa pagbabalik-GMA 7 ni Papa Aljur. This is home for him actually dahil ito ang unang nagbigay sa kaniya ng break sa pag-arte. Kung anuman ang nangyari sa kanila ng kaniyang mother network before, I hope it’s water under the bridge na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, mukhang wala namang alingasngas sa both camps lately. In many ways, I’m sure naman that they both learned their lessons, pareho naman silang may pagkukulang sa isa’t isa.

A matter of miscommunication lang siguro iyon that was blown out of proportion. Ang maganda lang dito ay naayos nila ang kanilang differences. Parang mag-ama iyan na nagkatampuhan lang na naayos naman in the end. Sana ay tuloy-tuloy na.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending