Kiefer Ravena hiwalay na sa dyowang atleta; pumayag magbida sa sitcom ng TV5 | Bandera

Kiefer Ravena hiwalay na sa dyowang atleta; pumayag magbida sa sitcom ng TV5

Ervin Santiago |July 05,2015
facebook
share this

Kiefer Ravena hiwalay na sa dyowang atleta; pumayag magbida sa sitcom ng TV5

Ervin Santiago - July 05, 2015 - 02:00 AM

kieper ravena

MARAMING fans ang nanghinayang sa relasyon ng mga kilalang athletes na sina Kiefer Ravena at Mika Reyes na balitang nagkahiwalay na rin matapos ang ilang buwang pagiging magdyowa.

Ayon sa ilang netizens, nabiktima rin ang sikat na cager at ang volleyball star player ng sumpa ng “walang forever”. Hindi malinaw kung paanong nagkalabuan ang dalawa pero base sa mga naglalabasang chika, hindi raw compatible ang dalawang atleta kaya nagkasawaan agad.

Sa isang interview, inamin ng UAAP star player na totoong wala na sila ni Mika (ng La Salle’s Lady Spikers), “Well, hindi na kami…the story regarding how it happened, it’s better for her (to tell it).”

Nagsimulang mabalita ang tungkol sa relasyon nina Kiefer at Mika nang makita silang magkasama habang nanonood ng NCAA game kung saan naglaban noon ang San Beda at Emilio Aguinaldo College, July of last year. Ilang linggo ang nakalipas ay inamin na nilang “exclusively dating” ang kanilang status.

Kumalat naman ang balitang hiwalay na sila nang dumating si Mika sa isang fashion event kasama ang kanyang fellow La Sallian na si Jeron Teng, na balita namang hiwalay na sa kanyang rumored girlfriend na si Jane Oineza.

Samantala, bago ito, tumanggi na si Kiefer na magsalita about the break-up sa presscon ng kauna-unahan niyang TV show, ang bagong sitcom ng TV5 na No Harm No Foul starring Ogie Alcasid, Randy Santiago at ang tatlong sikat na PBA players na sina Gary David, Beau Belga at Willie Miller.

Mas gusto niya raw pag-usapan na lang ang pagsabak niya sa acting. Sey ni Kiefer na-challenge siya sa bago niyang project, gusto lang daw niyang i-try ang acting kasama ang mga sikat na PBA players ngayon at ang magagaling na komedyante sa local showbiz.

“This is just a summer experience for me. You know, being young, I want to try a lot of things,” chiika ng Ateneo Blue Eagles team captain nang makachikahan ng mga reporter pagkatapos ng presscon ng No Harm No Foul kamakailan.

Dagdag pa niya, “The basketball part is a different field for me. ‘Yong group of guys na ‘to and girls, also, magandang experience sa akin. So try lang naman, wala namang mawawala kung subukan natin.”

Hindi naman daw ibig sabihin na nag-showbiz na siya ay kakalimutan na niya ang basketball, “Definitely, I still know my priorities when it comes to basketball. It’s just something na gusto kong ma-experience. Hopefully, mabigyan pa ng maraming opportunities.

“Marami akong natutunan sa kanila, siyempre, kasi ito buhay na nila. Memorable experience ito for me,” sey pa ni Kiefer. Pero nilinaw niya na hindi pa siya handing mag-full time sa showbiz, “No, I’ll stick with basketball pa rin.”

At least, kapag medyo nagsawa na si Kiefer sa pagdidribol at pagsu-shoot ng bola sa hardcourt, meron na siyang isa pang pagkakaabalahan. Kaya kayo na ang humusga kung may future nga si Kiefer pagdating sa acting.

Pero in fairness ha, sa trailer pa lang ng No Harm No Foul, mukhang may ibubuga nga sa pagpapatawa ang binata at sigurado kami na sa dami nang supporters ng binata, lalo na ang mga bading, tiyak na hindi nila palalampasin ang bawat episode ng nasabing sitcom.

Bukod sa kanilang mga cagers, at kina Ogie at Randy makakasama rin sa No Harm No Foul sina Tuesday Vargas, Valeen Montenegro, Eula Caballero, Sophie Albert at Yoyong Martirez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang No Harm No Foul simula ngayong gabi, July 5, 8 p.m. sa TV5. Ito’y sa direksiyon din ni Randy Santiago.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending