Sey mo Angelica...John Lloyd pumayag makipagbalikan kay Shaina | Bandera

Sey mo Angelica…John Lloyd pumayag makipagbalikan kay Shaina

Ervin Santiago |July 05,2015
facebook
share this

Sey mo Angelica…John Lloyd pumayag makipagbalikan kay Shaina

Ervin Santiago - July 05, 2015 - 02:00 AM

john lloyd cruz

Tiyak na mas pag-uusapan ngayon ang Primetime Bida series ng ABS-CBN na Nathaniel dahil sa pagpasok ng isang napakahalagang karakter na gagampanan ng Box-Office King na si John Lloyd Cruz.

Sa ipinalalabas na teaser, gaganap si Lloydie bilang si Atty. Francisco Lucas, at base sa mga dialogue ng aktor, mukhang siya ang magiging kontrabida sa buhay ni Gerald Anderson.

Isinusumpa ng abogado na pababagsakin niya ang mga taong tulad ni Paul, kasama na ang kanyang pamilya. Bukod dito, siguradong muling maiintriga si John Lloyd sa pagpasok niya sa Nathaniel, ito kasi ang magsisilbing “reunion” ng aktor at ng kanyang dating girlfriend na si Shaina Magdayao matapos silang maghiwalay tatlong taon na ang nakararaan.

Si Shaina ang gumaganap na leading lady ni Gerald sa Nathaniel.Hindi pa kami sigurado kung magkukrus ang landas ng mga karakter nila sa serye, pero tiyak na aabangan ng manonood ang muli nilang pagkikita.

Kung matatandaan naging kontrobersiyal ang break-up ng dating magkarelasyon noong 2012, parehong ayaw magsalita nina Lloydie at Shaina kung ano talaga ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Hanggang ngayon ay single pa rin si Shaina habang magtatatlong taon nang magdyowa sina John Lloyd at Angelica Panganiban.

In fairness, siguradong naka-move on na pareho ang dating magdyowa, at kung kilala namin si Lloydie, hindi yan papayag na makasama sa isang proyekto si Shaina kung hindi pa sila okay.

Inaasahang sa Lunes na mapapanood ang pagpasok ng karakter ni Lloydie sa Nathaniel at asahang matitindi agad ang magaganap na eksena sa pagitan nila ni Gerald.

At tutukan na rin kung ano ang mangyayari kapag muli silang nagkita ni Shaina. Bukod dito, dinggin kaya ng Diyos ang panalangin ni Nathaniel (Marco Masa) na tulungan siya para magtagumpay siya sa bago niyang misyon sa lupa? O, may iba nang plano ang Panginoon para sa kanya bilang anghel?

Kasama pa rin sa Nathaniel sina Isabelle Daza, Coney Reyes, Pokwang, Sharlene San Pedro, Jaurus Aquino, Freddie Webb at marami pang iba. Napapanood ito pagkatapos ng TV Patrol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending