Lovi maligaya sa kandungan ni Rocco pero ayaw pang pakasal | Bandera

Lovi maligaya sa kandungan ni Rocco pero ayaw pang pakasal

Ervin Santiago |July 05,2015
facebook
share this

Lovi maligaya sa kandungan ni Rocco pero ayaw pang pakasal

Ervin Santiago - July 05, 2015 - 02:00 AM

rocco nacino

MATAPOS ang isang matagumpay na pagtatanghal para sa mga Kapusong Pinoy sa Kuwait, nag-umpisa nang mag-taping ang Primera Aktres na si Lovi Poe para sa kanyang pagbabalik sa primetime television sa pinakabago niyang pagbibidahang serye sa GMa 7, ang Beautiful Strangers.

Ayon sa Kapuso actress, siya ay nagagalak na makatrabaho ang ilan sa nirerespeto at ginagalang na artista sa larangan ng telebisyon at pelikula.

“I’m so happy to be part of an exciting series which will also feature some of the best actors in TV and Film. Kaya naman ganado at masayang-masaya ako na muling mapanood sa primetime,” chika ni Lovi.

Bibigyang-buhay ni Lovi ang karakter ni Joyce, isang babaeng gaganti sa pamilyang malaki ang nagawang kasalanan sa kanya. Sa direksyon ni Albert Langitan, ang Beautiful Strangers ay mapapanood na ngayong Hulyo.

Makakasama ni Lovi rito ang ilan pa sa magagaling na Kapuso stars. Samantala, sa larangan naman ng pelikula ay gaganap siya bilang si Gregoria “Oryang” de Jesus sa pelikulang “Lakambini” na ididirek nina Jeffrey Jeturian at Ellen Ongkeko-Marfil.

Ang nasabing proyekto ay hindi lamang isang makasaysayang pelikula tungkol sa Rebolusyon ng Pilipinas, ito rin ay tungkol sa pag-ibig na namamagitan kina Oryang, Andres Bonifacio at Julio Nakpil.

“It’s a dream role for me, and it’s such a huge challenge to be doing a film about a woman who made a history,” anang award-winning actress.

Ayon sa aming source, ang gaganap bilang Julio Nakpil ay si Paolo Avelino at very soon ay malapit na ring sabihin kung sino naman ang maswerteng aktor na napili para sa karakter ni Andres Bonifacio.

Tungkol naman sa kanyang personal life, kitang-kita ang kaligayahan ni Lovi sa piling ni Rocco Nacio na makakasama niya rin sa bago niyang serye sa GMA.

Pero muling itinanggi ni Lovi na may balak na silang magpakasal ni Rocco, ine-enjoy lang daw nila sa ngayon kung anong meron sila at umaasa siya na marami pa silang madi-discover ng binata sa kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending