Pagtira ni Jiro sa bahay ng guro isang malakas na sampal sa pamilya Manio | Bandera

Pagtira ni Jiro sa bahay ng guro isang malakas na sampal sa pamilya Manio

Cristy Fermin |July 05,2015
facebook
share this

Pagtira ni Jiro sa bahay ng guro isang malakas na sampal sa pamilya Manio

Cristy Fermin - July 05, 2015 - 02:00 AM

jiro

Isang malaking sampal para sa pamilya ni Jiro Manio ang ginawang pagtira ng batang aktor sa bahay ng kanyang guro. Sa halip na umuwi siya mula sa tatlong araw na paglakad-lakad nang walang direksiyon sa airport ay mas pinili ni Jiro na makipisan sa bahay ng kanyang teacher kesa sa mismong pamilya niya.

Statement nga naman ‘yun. Meron naman siyang pamilya pero bakit mas minatamis pa niyang makitira sa bahay ng isang taong hindi niya naman kadugo kung tutuusin?

Sa mga ganitong pagkakataon ay pamilya dapat ang prayoridad ni Jiro Manio, pero bakit sa kanyang guro pa siya nagdesisyong tumira, malaki nga siguro ang problema nila ng kanyang pamilya.

“Kapag kasi walang trabaho si Jiro, e, iba ang pagtrato sa kanya ng family niya,” kuwento ng isang source na malapit sa batang aktor. Mabango lang daw siya kapag nakapag-aabot, pero kapag wala na ay parang binabalewala na lang siya, ‘yun daw ang sentimyento ni Jiro Manio.

Puwedeng totoo ‘yun at puwede rin namang hindi, puwede kasing tinatalo lang si Jiro ng kanyang emosyon at ng pinagkakaabalahan niyang bisyo, opinyon naman ng iba pa niyang mga katrabaho.

Sabi ng isang beteranang aktres na nakaeksena na ni Jiro sa isang teleserye, “Nakapanghihinayang naman ang batang ‘yun. Aktor talaga siya.

Isang pasada lang niya ng basa ng script, minsanang blocking lang, take one siya! Magaling si Jiro, kaya nakapanghihinayang ang talent niya,” sinserong sabi ng beteranang aktres tungkol kay Jiro Manio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending