Nahihiyang manligaw (2) | Bandera

Nahihiyang manligaw (2)

Joseph Greenfield |July 05,2015
facebook
share this

Nahihiyang manligaw (2)

Joseph Greenfield - July 05, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Garry ng Matalava East, Lingayen, Pangasinan
Problema:
1. Hindi po ako nakatapos ng high school kaya umabot ako ng edad 34 na hindi nagkaka-girlfriend nahihiya kasi akong manligaw. May trabaho naman ako sa ngayon bilang helper sa isang bakery at may crush po akong isang babae na kasamahan din namin dito sa tindahan. Sa ngayon po ay wala naman siyang boyfriend pero alam ko may nanliligaw din siyang kasamahan ko din sa trabaho.
2. Kung malalaman kaya niya ang damdamin ko, patulan kaya niya ako kahit hindi ako edukadong tao. Sabi nya kasi sa akin minsan nagkukuwentuhan kami ang gusto nyang mapangasawa ay isang lalaking nakatapos ng pag-aaral. December 7, 1989 ang birthday ko at August 11, 1991 naman yong girl na balak kong ligawan.
Umaasa,
Garry ng Lingayen, Pangasinan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) at Leo naman ang babaing nililigawan mo ay nagsasabing kapwa kayo pinaghaharian ng elementong fire, na ngangahulugang tugma at compatible kayo.
Numerology:
Ang birth date mong 7 at 11 naman ang babaing nililigawan mo ay kapwa kayo pinaghaharian ng elementong tubig. Ibig sabihin hindi lang kayo sa Astrology tugma at compatible kundi maging sa Numerology din, na ibig sabihin lang, basta’t lagi mo lang siyang kakausapin, sa bandang huli, sa ika-10 buwan ng taon ding ito ng 2015, mabilis ang magaganap – magiging girlfriend mo na rin siya sa awakas.
Luscher Color Test:
Upang palarin ang inyong pag-iisang dibdib o ang inyong itatayong pamilya kung sakasakaling kayo na nga ang magkakatuluyan, inirerekomenda lagi kayong gumamit ng kulay na dilaw, pula at berde. Ang nasabing mga kulay ang lalo pang magpapaigting ng iyong pagmamahalan at magdadala ng mas marami pang suwerte sa inyong samahan.
Huling payo at paalala:
Garry ayon sa iyong kapalaran tiyak ang magaganap ang babaing sinasabi mo ang nakatakda mo nang mapangasawa lalo na kung ang hugis ng kanyang mukha ay medyo korteng puso, maputi ang kulay ng balat at medyo sexy o slim ang pangangatawan. Tulad ng nasabi na, lagi ka lang sa kanyang makipagkuwentuhan, sa taon ding ito ng 2015, sa buwan ng Oktubre, tuluyan ka na rin niyang magugustuhan, hanggang sa mabuo ang isang matimyas at pang habang buhay ng pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending