Perpetual nakisosyo sa liderato ng NCAA | Bandera

Perpetual nakisosyo sa liderato ng NCAA

Mike Lee |July 04,2015
facebook
share this

Perpetual nakisosyo sa liderato ng NCAA

Mike Lee - July 04, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro sa Martes
(The Arena, San Juan)
10 a.m. St. Benilde vs EAC (jrs)
12 nn. Perpetual vs Mapua (jrs)
2 p.m. St. Benilde vs EAC (srs)
4 p.m. Perpetual vs Mapua (srs)

SUMOSYO na ang Perpetual Help at Letran sa San Beda sa liderato nang  nagsipanalo sa mga nakalaro kahapon sa 91st NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Kuminang ang rookie na si Bright Akhuetie sa 44 puntos, 19 rebounds at tig-dalawang assists, steals at blocks habang ang NCAA Season 90 MVP na si Earl Scottie Thompson ay may triple-double na 14 puntos, 12 rebounds at 10 assits sa 77-69 tagumpay laban sa St. Benilde.

Tumira ang Altas sa ikalawang yugto nang hawakan ang 40-28 kalamangan para ipalasap sa Blazers ang ikalawang sunod na kabiguan.

Ang big three ng Knights na sina Rey Nambatac, Kevin Racal at Mark Cruz ay naghatid ng double digit para pasiklabin ang 78-62 tagumpay laban sa Jose Rizal University sa ikatlong laro.

May 25 puntos si Nambatac, si Racal at Cruz ay naghatid pa ng 15 at 12 puntos para sa Knights na ginamit ang 23-13 palitan sa ikatlong yugto para iwan na ang Heavy Bombers na bumaba sa 1-1 karta.

Kinapitan naman ng Arellano University ang depensa sa huling mga segundo para maipreserba ang 80-78 panalo sa Lyceum sa unang laro.

Si Jiovani Jalalon ay mayroong 20 puntos at 12 assists para sa Chiefs na nahiritan ng error si Joseph Gabayni na nasundan ng mintis na layup Mer Ayaay sabay tunog ng buzzer para sa 1-1 karta.

May 20 puntos sina Gabayni at Shaq Alano para sa Pirates na may 0-2 karta na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending