Joey Marquez bibida sa MMK, napalaban sa iyakan | Bandera

Joey Marquez bibida sa MMK, napalaban sa iyakan

Ervin Santiago |July 04,2015
facebook
share this

Joey Marquez bibida sa MMK, napalaban sa iyakan

Ervin Santiago - July 04, 2015 - 02:00 AM

joey marquez

Kwento ng isang anak at ng kanyang amain ang ibabahagi ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong gabi tampok sina Patrick Garcia at Joey Marquez.

Sa kabila ng pag-iwan sa kanya ng tunay na ama, lumaki si Macky (Patrick) na buo at masaya dahil sa pagmamahal ng kanyang ina na si Marciana (Ara Mina) at ng lalaki na tumayo bilang ikalawa niyang tatay na si Renato (Joey).

Ngunit nasira ang magandang samahan ng kanilang pamilya nang biglang pumanaw si Marciana at inakala ni Macky na hindi siya tunay na pinahahalagahan ng kanyang amain.

Ano ang mga hirap na pinagdaanan ni Macky nang naramdaman niya na parang nawala ang parehong magulang na naging sandigan niya? Paano nga ba nila inayos ni Renato ang kanilang nasirang pagsasama?

Makakasama nina Patrick at Joey sa MMK episode tonight sina Bugoy Carino, Perla Bautista, Richard Quan, Nathaniel Britt, Alexa Macanan, Anjo Damiles, Archie Alemanio at Luke Jickain.

Ito‘y sa direksyon ni Raz dela Torre at sa panulat ni Benjamin Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang MMK ngayong gabi, 8:30 p.m. after The Voice Kids sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending