Jiro Manio malayo ang loob sa 2 anak | Bandera

Jiro Manio malayo ang loob sa 2 anak

Ervin Santiago |July 04,2015
facebook
share this

Jiro Manio malayo ang loob sa 2 anak

Ervin Santiago - July 04, 2015 - 02:00 AM

Jiro Manio

SOBRA-SOBRANG depresyon ang hinaharap ng dating child star na si Jiro Manio, ayon mismo sa ama-amahan nitong si Andrew Manio kaya gulung-gulo ang isip nito.

Sa interview ng Aquino & Abunda Tonight noong Huwebes ng gabi, sinabi ni Andrew na maraming dahilan kung bakit nalayas ang kanyang anak mula sa kanilang tahanan.

Isa na raw dito ang hindi pagtupad ng lola ni Jiro na papupuntahin siya sa Japan para makilala ang kanyang tunay na ama na isang Japanese national.

Nakadagdag pa raw sa kalungkutan ng binatang ama ang pagdenay sa kanyang visa application patungong Japan.Nito ngang Martes, natagpuan si Jiro na pagala-gala sa NAIA Terminal 3.

Bukod sa maruming damit nito ay may mga sugat din daw ang aktor sa leeg. Ayon sa taytay-tayan ni Jiro, ang mga sugat ng dating child star ay “self-inflicted”, hindi raw totoo na nakuha niya ito dahil sa kanilang pag-aaway.

Sinabi rin ni Andrew na malayo ang loob ng dalawang anak ni Jiro sa kanya. Ito naman ang mensahe ni Andrew sa kanyang anak, “Sana tulungan niya ang sarili niya na gumaling at sana bumalik siya sa dating niyang gawain sa showbiz.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending