Richard Yap, Enchong Dee haharap sa matinding hamon | Bandera

Richard Yap, Enchong Dee haharap sa matinding hamon

Ervin Santiago |July 04,2015
facebook
share this

Richard Yap, Enchong Dee haharap sa matinding hamon

Ervin Santiago - July 04, 2015 - 02:00 AM

enchong dee

HAHARAP sa malaking hamon ang mga karakter ng Kapamilya chinito heartthrobs na sina Richard Yap at Enchong Dee sa pagpapatuloy ng kanilang Wansapanataym special na My Kung Fu Chinito ngayong Linggo.

Sa pagbubunyag ni Chairman Tai (Richard) na si Diego (Enchong) ang magiging susunod na Kung Fu Chinito, sasailalim si Diego sa isang pagsasanay upang matutunan niya kung paano gamitin ang kapangyarihan na ipagkakaloob sa kanya.

Tatanggapin ba ni Diego ang responsibilidad ng isang tagapagligtas kung ang kahulugan nito ay malalagay niya sa panganib ang buhay niya?

Matutunan niya kaya na gamitin sa wasto ang kapangyarihan na ipapasa sa kanya ni Chairman Tai?  Kasama rin nina Richard at Enchong sa kanilang Wansapanataym special sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Sofia Andres, Atoy Co, David Chua, Mutya Orquia at Clarence Delgado.

Ito ay sa ilalim ng panulat ni Mariami Tanangco Domingo, at sa direksyon ni Erick Salud. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng pakikipaglaban nina Richard at Enchong sa kasamaan sa Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito ngayong Linggo na sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending