Juday, Piolo, Claudine sa bonggang serye at pelikula | Bandera

Juday, Piolo, Claudine sa bonggang serye at pelikula

Ambet Nabus |July 03,2015
facebook
share this

Juday, Piolo, Claudine sa bonggang serye at pelikula

Ambet Nabus - July 03, 2015 - 03:00 AM

JUDY ANN, PIOLO AT CLAUDINE

JUDY ANN, PIOLO AT CLAUDINE

Hindi kami naniniwala na publicity lang ang emote ni papa Piolo Pascual na gusto rin niyang makatrabaho uli si Claudine Barretto.

After ngang masilayan natin ang kagandahan ni Claudine (in perness, refreshing ang aura niya ngayon) na may ginagawa ngang Star Cinema movie, heto at naitanong nga kay papa P na aside from Judy Ann Santos na binanggit nga niyang gusto uli niyang makasama sa isang proyekto, sino pa ang feel niyang makatrbaho?

Magaling sumagot si Piolo dahil inulit nga niyang mas nauna si Juday at ito ang nagbigay ng malaking break sa kanya sa showbiz, pero may naiambag din daw na maganda sa kanyang karir ang mga naging proyekto niya with Claudine.

Ang tanong nga ngayon, alin na ang mauuna if ever na parehong willing at okey kina Juday at Claudine na makatrabaho uli si papa P?

Sabi naman namin, bakit hindi na lang gumawa ang Star Cinema ng isang movie at pagsama-samahin sina Piolo, Juday at Claudine? Sigurado kaming bongga ang magiging resulta nito sa takilya?

But knowing Juday’s maternal condition now, malamang na hindi pa ito pwedeng mangyari ngayon dahil sabi nga ng Teleserye Queen, kailangan niyang mag-ingat nang bonggang-bongga para masiguro ang maayos na kundisyon nilang mag-ina.

Bukod dito, mismong si Juday na rin ang nagsabi na pagkapanganak niya, hindi pa rin siya tatanggap ng mabibigat na projects dahil baka isang taon pa ang kailangan niyang igugol sa tutok na pag-aalaga sa ikatlong anak nila ni Ryan Agoncillo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending