Daniel kay Erich: Ibibigay ko po ang buhay ko sa kanya! | Bandera

Daniel kay Erich: Ibibigay ko po ang buhay ko sa kanya!

Ervin Santiago |July 02,2015
facebook
share this

Daniel kay Erich: Ibibigay ko po ang buhay ko sa kanya!

Ervin Santiago - July 02, 2015 - 02:00 AM

erich gonzales

MARAMING kinilig sa huling interview ng morning show ni Kris Aquino sa magdyowang Daniel Matsunaga at Erich Gonzales.
Kahit na iniintriga ang Japanese-Brazilian model-actor na ginagamit lang daw niya si Erich para sa ilang personal na dahilan, meron din namang naniniwala na true love ang namamagitan sa dalawang Kapamilya stars.

Sa mga naging pahayag nina Erich at Daniel, pareho silang umaasa na sila na ang magkakatuluyan sa bandang huli, though naniniwala sila na hindi nila kontrolado ang magaganap in the future, pareho silang positive na magtatagal ang kanilang love story.

Nang tanungin naman ni Kris si Daniel kung paano niya patutunayan kay Erich na wagas ang kanyang pagmamahal sa aktres, ang tugon ng aktor, “If she has to choose between her life and my life, I will give my life.”

Dagdag pa ng hunk actor, “If you really love somebody you would really do those stuff. I would also do that for my mom and my sister.”

Ayon naman kay Erich, nang maging boyfriend niya si Daniel, mas naging confident daw siya sa kanyang sarili at mas naging open sa pagbabahagi ng kanyang personal life sa ibang tao, “I was never like that before,” ang chika pa ng dalaga.

Ibig sabihin ba nito, never siya talagang naging maligaya sa piling ng kanyang ex-boyfriend na galing sa isang mayamang pamilya?

Well, from the looks of it, mukhang baliw na baliw na nga si Erich ngayon kay Daniel, bukod kasi sa puro papuri ang ibinibigay nitong pahayag sa binata, wala na rin siyang hiya-hiya sa pagpapakita ng kanyang love and affection kay Daniel, kahit na nasa harap sila ng mga camera.

Anyway, tiyak na mas magiging maligaya ang fans ng dalawa once na magsimula nang umere ang kanilang bagong teleserye sa ABS-CBN, ang Be My Lady.

Bibigyang-buhay ng dalawa ang love story ng isang foreigner at isang Pinay at ipapakita kung ano ang pinagdadaanan ng isang interracial na relationship.

“Nakaka-excite yung Be My Lady kasi romantic comedy siya tapos yung kuwento niya ay light at happy lang. First team-up din namin ‘to ni Daniel in our own teleserye kaya sana abangan at suportahan nila ang project naming ito,” sabi ni Erich.

Sa hiwalay na panayam naman kay Daniel, sinabi ng pusong Pinoy na model-actor na matagal niyang hinintay ang big break na ito. “Sobrang saya talaga ako dahil kasama ko pa si Erich.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ‘yung unang project ko na ako talaga ang leading man kaya I am really thankful sa bosses sa pagbibigay ng opportunity sa akin,” dagdag pa ng binata.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending