Politiko muling ‘hinamon’ si Xian Lim; suportado rin si PBB housemate Barbie | Bandera

Politiko muling ‘hinamon’ si Xian Lim; suportado rin si PBB housemate Barbie

Ambet Nabus |July 02,2015
facebook
share this

Politiko muling ‘hinamon’ si Xian Lim; suportado rin si PBB housemate Barbie

Ambet Nabus - July 02, 2015 - 02:00 AM

xian lim

NASA Polangui, Albay kami recently for the grand coronation night ng Miss Pulang Angui 2015, kami ng kapwa-DZMM talent na si Barbie Salvador-Muhlach ang nag-host ng event.

Through the invitation of Mayor Cherry Sampal (and of course ni Gov. Joey Salceda) and the Municipal Council, masaya uli kaming tinanggap ng mga tagaroon.

Although sanay na tayo sa mga ganu’ng okasyon (bilang host or judge), panibagong challenge siyempre yung may bago tayong kasama sa stage.

Barbie was so gorgeous and a very natural co-host at bongga ang adlib tips niya sa mga candidates bilang Mutya ng Pilipinas winner at naging Miss Intercontinental pa.

Bitbit namin ang singer-actor na si Marlo Mortel na siyang ni-request ng mga kababayan natin doon. Honestly, hindi talaga namin kilala si Marlo na sumikat pala noon sa Be Careful With My Heart at ngayo’y napapanood sa Oh My G.

Dahil evening person nga kami, wala talagang pagkakataon na makilala namin ang bagets dahil puro pang-umaga pala ang shows niya.

Ang nakakaloka pa, doon lang din nalamang member pala siya ng Harana Boys kung kasama rin ang ampon naming si Michael Pangilinan.

Naikuwento rin niya ang upcoming entry nila nina Janella Salvador at Jerome Ponce sa 2015 Metro Manila Film Festival na “Haunted Mansion” under Regal Films sa direksyon ni Jun Lana.

Nakatatlong kanta si Marlo na sobrang tinilian at hinangaan ng mga tao sa Polangui. Malandi (read: mahusay ang performance) siya sa stage at biglang nag-iba ang appeal niya nu’ng kantahan na niya ang mga Pulang Angui beauties.

Bigla siyang naging six footer na hunk singer sa aming paningin. Ha-hahahaha! He’s so cute and yummy lalo na kapag gumiling at nakipagtitigan na sa mga naiimbitahan niyang babae to join him on stage.

Well, palaban din ang aktor-singer na kasama ang kanyang tatay sa mga jokes nina Gov. Salceda at mga kapwa celebrity judges gaya nina Miss International Bea Rose Santiago, Binibining Pilipinas-Tourism Parul Shah, Mutya ng Pilipinas Asia Pacific Eva Psychee Patalingjug, Atty. Carol Sabio, lalo na yung naging tuksuhan nila sa ginawang pagmamaldito noon ni Xian Lim sa Albay. Ha-hahahaha!

It was indeed full of fun and excitement at sa nakita naming batch of beauties ng naturang beauty pageant, hindi na kami magugulat kung marami sa kanila ang makapasok sa mga national at international pageants.

Bongga ring ikinampanya ni Gov. Joey Salceda ang Pinoy Big Brother 737 teen housemate na si Barbie na nominated sa darating na eviction night sa Biyernes, along with controversial bagets na si Bailey.

Maingay ang pangalan nila ngayon sa PBB dahil sa kanilang bubot na “relasyon”.Ang bongga nga ng pag-play up ng nagaganap na “something” sa pagitan nila (na siyempre ay guided at laging may psycological or clinical reason/explanation from the resident psychologist ng PBB, bilang kapwa mga menor de edad pa sila.

Kung ma-e-evict man ang isa, lalaylay na ang anggulo ng teen romance sa Bahay ni Kuya. Ito’y sa gitna na rin ng sinasabing “bromance” nina Bailey at Kenzo.

Updated si Gov. Salceda sa mga kaganapan sa PBB kaya nga kinantiyawan siya ng mga beauties, pati na ni Marlo dahil dalawang taga-Albay ang pumasok sa nasabing reality show.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang banggitin naman namin sa gobernador ang minsang naging pag-uusap namin ni Xian hinggil sa naging isyu nila noon at pinasasabi nga ng binata na he has learned his lesson na, napangiti ito sabay sabing, “May standing offer pa kami sa kanya na pwede niyang gawin sa probinsya namin, di ba?”

Ha-hahaha! Karakter talaga at nag-iisa lang si Gov. Salceda!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending