Michael handa nang sumabak sa hubaran | Bandera

Michael handa nang sumabak sa hubaran

Jobert Sucaldito |July 02,2015
facebook
share this

Michael handa nang sumabak sa hubaran

Jobert Sucaldito - July 02, 2015 - 02:00 AM

michael pangilinan

KUNG ako ang tatanungin at siyang masusunod, ayoko talagang pag-artistahin muna ang alaga kong si Michael Pangilinan hangga’t hindi pa stable ang pangalan niya sa music industry.

Ayoko kasi siyang matulad sa ibang singers na gusto ring mag-artista at the same time – ayoko kasing ma-confuse ang kaniyang fans sa career path na gusto niyang tahakin.

Kaya lang, this one is a different case, I realized a certain exception to my rule – when his hit single “Pare, Mahal Mo Raw Ako” turned into a very exciting movie script (same writer of the song – Direk Joven Tan), nais ng isang malaking movie company na magri-release ng movie version nito na si Michael din ang magbida.

Doon na nagsimula ang meeting namin ni Direk Joven – kung paano ko kukumbinsihin this time ang alaga ko to do the movie dahil malinaw na ang usapan naming hindi siya mag-aartista hangga’t hindi pa siya big star sa music scene.

Nu’ng una, nagdalawang-isip si Michael – takot siyang baka hindi siya mag-click as an actor. In-explain ko naman sa kaniyang one film lang naman itong gagawin namin dahil kanta niya naman ito.

Huwag siyang mag-alala ‘kako dahil very light lang naman ang treatment ng film and nag-pledge na ng support ang friends namin sa LGBT group.

And finally, Michael agreed sa isang condition – magpapaganda muna siya ng katawan para pag kinailangang maglabas siya ng konting flesh ay hindi na siya kahiya-hiya.

Pero pinaalala ko sa kaniya na hindi ito bold film or a gay film – yung istorya lang ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” ang susundan ng istorya. Pero tama naman actually siya, he has to show some flesh nga here, hindi man super-sexy pero merong konting hubad-hubad.

Hanggang sa nag-shooting na ang ibang members ng cast ng pelikula like Matt Evans, Joross Gamboa and Gandang Lalaki grand winner ng It’s Showtime na si Nikko Seagal a few days ago.

Ngayong araw naman magtatagpo ang landas sa set nina Michael Pangilinan at magiging partner niya sa film na si Edgar Allan Guzman. Yes, EA will do the gay part here na in love kay Michael. How very exciting, di ba?

Kaya hindi talaga ako nagdalawang-isip na tanggapin ang project na ito for my baby Michael dahil si Edgar Allan ang makakapareha niya. Kumbaga, safe na kami sa aktingan dahil napakahusay namang umarte nitong si EA.

“Kinakabahan ako sa shooting, ‘Nay! Sana hindi ako magkalat. Pero kungsabagay, after ng araw-araw naming workshop sa ginagawa naming ‘Kanser The Musicale’, parang hindi na ako stranger sa acting.

Mas mahirap pa nga yung ginagawa namin dahil stageplay iyon. Wish ko lang, maka-deliver ako sa hinihingi ng papel ko,” ani Michael.

In fairness kay Michael, minsan lang siya sasabak sa aktingan, bida siya agad, di ba? It may be harder dahil mas malaki ang responsibilidad niya rito dahil lead actor siya pero sabi ko nga, galingan lang niya at bahala na kaming buuhin ang pelikula.

Kaya ngayon, ito na ang tunay na baptism of fire niya as an actor dahil first shooting day niya ito at ang location namin today ay sa Malolos, Bulacan.

Dapat sana kasi ay sa Batangas ang shooting namin kaya lang, merong kakantahang church si Michael sa Bulacan this morning till noon kaya mas minabuti ni Direk Joven na ilipat ang location sa Bulacan para hindi mapalayo ang kaniyang bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

That’s how spoiled Michael is sa movie na ito. Good luck, Michael. Sana maibigay mo ang karampatang acting na hinihingi ng papel mo. Mwah!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending