Jiro Manio nasa matinding depresyon, palaging tulala, galit; Iniwan daw kasi ng lola, kapatid | Bandera

Jiro Manio nasa matinding depresyon, palaging tulala, galit; Iniwan daw kasi ng lola, kapatid

Ervin Santiago |July 01,2015
facebook
share this

Jiro Manio nasa matinding depresyon, palaging tulala, galit; Iniwan daw kasi ng lola, kapatid

Ervin Santiago - July 01, 2015 - 01:18 PM

ISANG kaanak ni Jiro Manio na nangangalang Jennifer Dyan Manio Enaje, ang nag-post ng mensahe sa kanyang Facebook account tungkol sa kundisyon ng dating aktor. “Nakakalungkot malaman na nakita daw siya sa airport na pagala-gala at tulala. “Umalis po siya dito sa bahay namin nung Sabado ng gabi at ‘di na bumalik, hanggang sa nabalitaan na lang namin dito sa FB na nasa airport po pala siya. “Tingin po namin ay dumadaan po siya sa matinding depression dahil kahit po andito pa siya sa amin ay ‘di po namin siya makausap nang maayos. Lagi po siyang tulala at galit. “Gustuhin man po namin siyang ipagamot, kapos din naman po kami. Kaya taus-puso po sana kaming humihingi ng tulong para po maipagamot na namin siya at nang ‘di na po lumala ang kanyang kundisyon.” May nakapagsabi naman sa amin na posibleng nag-ugat ang sobrang depresyon ni Jiro nang talikuran na siya ng kanyang lola at kapatid na naninirahan na ngayon nasa Japan. Bukod pa nga iyan sa sinasabing tampuhan nila ng kanyang foster father na si Andrew Manio. Unang napaulat na nakita si Jiro na palaboy-laboy sa NAIA Terminal3 at gutom na gutom at madusing.  Nakakakain lang umano ito dahil sa mga nagmamagandang loob na mga empleyado at byahero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending