Dennis puro reklamo sa bagong pelikula: I hate it! Wala akong choice! | Bandera

Dennis puro reklamo sa bagong pelikula: I hate it! Wala akong choice!

Alex Brosas |July 01,2015
facebook
share this

Dennis puro reklamo sa bagong pelikula: I hate it! Wala akong choice!

Alex Brosas - July 01, 2015 - 02:00 AM

dennis trillo

Nagrereklamo si Dennis Trillo sa long hours ng pagtatrabaho niya bilang isang kilalang personality sa isang epic movie. Inabot kasi ng 16 hours ang shooting nila, eh, puro prosthetics siya kaya naman nagrereklamo na siya.

When a follower on his Instagram account said na nasobrahan siya sa pagmamahal niya sa trabaho kaya naman mahal din siya nito ay isang, “hindi din! I hate it! Wala lang akong choice” ang agad-agad na sagot ni Dennis.

Actually, Dennis, mayroon kang choice. Pinili mo ang movie na ‘yan, eh, di magdusa ka. Alam mo naman sigurong may prosthetics na ikakabit sa mukha mo para maging kamukha mo ang character na ginagampanan mo kaya walang ibang dapat sisihin kundi ikaw.

Kung nagrereklamo ka dahil sa haba ng oras ng pagtatrabaho mo, aba layasan mo na lang ang movie na ‘yan kung hindi ka na masaya. At sisihin mo ang manager mo for booking you for a project na napakahirap naman palang gawin.

Ang hirap sa mga artista kapag walang project nagrereklamo. Kapag meron naman ay nagrereklamo pa rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending