Indie movie ni John Lloyd sinadyang ilaglag sa MMFF 2015 | Bandera

Indie movie ni John Lloyd sinadyang ilaglag sa MMFF 2015

Ambet Nabus |July 01,2015
facebook
share this

Indie movie ni John Lloyd sinadyang ilaglag sa MMFF 2015

Ambet Nabus - July 01, 2015 - 02:00 AM

john lloyd cruz

May tsismis na nakarating sa amin kapatid na Ervin na diumano’y may ilang tao na bahagi ng komite ng taunang MMFF na sadyang binigyan ng mababang puntos ang John Lloyd Cruz possible entry para mapunta sa mababang ranking?

Although pumasok sa top 10 ang “Con Man”, nahila raw ito ng mga nagbigay ng low score to ensure na malalaglag ito sa magic 8. Ang pelikulang ito ay dating in-offer kay Dingdong Dantes pero bigla ngang napunta kay Lloydie.

Hindi sinabi ng aming mga ka-Chismackers kung sino at bakit ito ginawa ng mga umano’y nanghila pababa o kung mayroon ba itong mga mas pinaboran dahil sila’y nasabihan o di kaya’y may kung sinong nagmanipula sa screening process pa lang?

Hmmm, tila may pinaghuhugutan naman pala si Lloydie nang sabihin niyang nalungkot at nanghinayang siya sa hindi pagkapili sa kanila sa magic 8. Bakit hindi kaya natin itanong sa mismong direktor na si Erik Matti?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending