Sa pagnenegosyo yayaman (2) | Bandera

Sa pagnenegosyo yayaman (2)

Joseph Greenfield |July 01,2015
facebook
share this

Sa pagnenegosyo yayaman (2)

Joseph Greenfield - July 01, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Albert ng St, Francis Village, Bagbag, Lapu-Lapu City,

Dear Sir Greenfield,

1. Dating OFW po ako sa Saudi Arabia at halos anim na taon ako doon. Bagamat may maganda pa rin sa aking offer ang company namin, iniisip kong magnegosyo na lang upang hindi na ako malayo sa aking pamilya. Ito ang dahilan kung bakit naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung saan ba ako higit na susuwertehin sa negosyo o sa pag-aabroad na lang uli?

2. Kung sa negosyo, ano naman ang bagay at magandang produkto para sa akin upang ito ay mapaunlad at mapalago ko? October 14, 1975 ang birthday ko.

Umaasa,
Albert ng Lapu-Lapu City
Solusyon/Analysis:

Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing sa produktong pagkain, damit, pabango, dekorasyon, pampaganda, tubig, beerhouse, panlibangan, grocery at iba pang kauring kalakal na nabanggit ka yayaman, sa tulong ng isang babaing isinilang sa zodiac sign na Aquarius.

Numerology:

Ang birth date mong 14 ay nagsasabing isang babaeng maganda na mahaba ang buhok na may birth date na 5, 14 at 23, ang dapat mong maging kasosyo o kasama sa negosyo upang tuloy-tuloy kayong umunlad at yuman. Puwede rin na isang babaeng bilugan ang mukha at pangangatawan na medyo chubby at mababa ang height. Ang nasabing babae ang magpapayaman sa iyo.

Luscher Color Test:
Pula ang dapat na kulay ng iyong business place upang madaling mahigop ang suwerte at magandang kapalaran. Bukod sa pula puwede rin ang pink, lavander at iba pang kauri nito. Sa kulay na pambabae, tulad ng naipaliwanag na, papalarin at susuwertehin ang itatayo mong negosyo.

Huling payo at paalala:

Albert, ayon sa iyong kapalaran, tama ang iniisip mo sa kasalukuyan. Higit ka ngang pagpapalain at susuwertehin sa negosyo kesa sa muling pangingibang- bansa. At sa sandaling sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyong nabanggit na sa itaas, tiyak ang magaganap. Kung sa taong ito ng 2015 sa buwan ng Setyembre o kaya’y last week ng Oktubre ka magsisimula sa mga negosyong nabanggit na sa itaas, mula ngayon lilipas ang lima o anim na taon pa sa 2021 sa edad mong 46 pataas ay mayamang-mayaman ka na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending