John Lloyd payag gawin ang part 2 'One More Chance' pero may kundisyon | Bandera

John Lloyd payag gawin ang part 2 ‘One More Chance’ pero may kundisyon

Julie Bonifacio |June 29,2015
facebook
share this

John Lloyd payag gawin ang part 2 ‘One More Chance’ pero may kundisyon

Julie Bonifacio - June 29, 2015 - 02:00 AM

bea alonzo

TIYAK na matutuwa ang fans ng tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Ni-reveal sa amin ng aktor na naka-line up na ang pelikula na gagawin nila ni Bea for Star Cinema this year.

Pero syempre, hindi pa pwedeng sabihin ni John Lloyd ang detalye about the movie. But definitely, hindi ang part two ng blockbuster movie nila dati na “One More Chance” ang gagawin nila this year.

Marami kasi ang nagre-request na magkaroon ng part two ang love story nina Popoy at Basha sa “One More Chance” especially nu’ng magkaroon na ng libro ang movie nila.

“That’s yet to be confirmed kasi kung meron man sigurong dapat magbigay ng statement siguro ang Star Cinema yan,” sambit ni John Lloyd. Thankful naman si Lloydie sa pagkakataong naisalin ang “One More Chance” sa libro.

Malaking bagay daw ‘yun for this generation. “Kasi syempre lahat naman ng movies ng mother studio ko, aral ‘yan, e. Pinag-aaralan nang masusi.

So, according to them, iba na ang trend ngayon, so para na rin mas maka-identify ‘yung generation ngayon. I’m really glad na mai-introduce sa kanila ‘yung mga characters na sina Popoy at si Basha kasi sobrang bilis ng takbo ng panahon.

Parang kailan lang ‘yun, ah. So, kung mai-introduce sa generation ngayon, bakit hindi? Malay mo magustuhan nila,” sabi ni Lloydie. Okey din sa kanya kung magkakaroon ng part two ang “One More Chance” as long as maganda ‘yung materyal.

“Ako naman lagi materyal lang ang importante. I really attribute my success sa materyal na napili ko. At kung itutuloy ‘yung ‘One More Chance,’ at maku-convince naman kami na eto maganda ang materyal na ‘to, pwede ninyong puntahan, bakit hindi?”

But as of now, meron daw silang gustong gawin ng Star Cinema’s Managing Director na si Malou Santos. May istorya raw na naiisip sina Malou at ang ABS-CBN President na si Charo Santos na gustong ipagawa kay John Lloyd.

“Iba pa ‘yung movie with Bea this year. Pagkatapos noon kung matutuloy ‘yung plano babalik ako sa TV para doon sa istoryang sinasabi ko,” lahad pa niya.

May gagawin ding teleserye this year si John Lloyd at tuloy pa rin ang sitcom nila ni Toni Gonzaga na Home Sweetie Home. Then, napakwento si Lloydie sa amin na muntik nang mawala ang sitcom nila ni Toni.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Supposed to be ay mawawala na sa ere ang show dahil nag-asawa na si Toni. Pero nagkausap-usap daw sila at naayos naman kaya tuloy pa rin ang show.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending