Angel naaksidente raw, nahulog sa kabayo | Bandera

Angel naaksidente raw, nahulog sa kabayo

Alex Brosas |June 27,2015
facebook
share this

Angel naaksidente raw, nahulog sa kabayo

Alex Brosas - June 27, 2015 - 02:00 AM

angel locsin

Naaksidente raw si Angel Locsin.

Iyan ang nabasa naming chika sa isang Facebook account. Ang chika, nahulog raw ang aktres habang nangangabayo kaya naman daw natigil ang shooting ng movie nila ni Vilma Something.

True kaya ang balitang ito o may nang-intriga lang sa dyowa ni Luis Manzano at gusto lang nitong magpapansin? We’re asking this kasi parang wala namang tweet man lang si Angel about the incident.

Sa kanyang Twitter account ay wala naman siyang message na naaksidente nga siya. Hindi ba napaka-unnatural naman na hindi itsika ni Angel ang nangyarng aksidente sa kanya, that is kung meron nga.

Anyway, kung true nga na nahulog si Angel sa kanyang pangangabayo ay hindi naman siguro grabe ang tinamo niyang mga sugat. Ang chika kasi, isinugod sa ospital ang aktres at natigil ang shooting nila dahil kinailangan muna siyang magpahinga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending