Megan sa bagong Marimar: Gusto kong makausap si Marian! | Bandera

Megan sa bagong Marimar: Gusto kong makausap si Marian!

Ervin Santiago |June 26,2015
facebook
share this

Megan sa bagong Marimar: Gusto kong makausap si Marian!

Ervin Santiago - June 26, 2015 - 03:00 AM

MEGAN YOUNG

MEGAN YOUNG

Gustong humingi ng advice ni Miss World 2013 Megan Young kay Marian Rivera bago siya magsimula ng taping para sa bagong version ng Marimar kung saan makakatambal niya si Tom Rodriguez.

Inaasahan na kasi niyang ikukumpara siya sa GMA Primetime Queen kapag umere na ang nasabing serye, “Ang sinasabi ko na lang, I’ll do it in my own way, na hindi ako susunod sa ginawa ng iba.”

Dugtong pa ng beauty queen-actress, “Sana mabigyan ako ng chance na makahingi ng advice kay Marian. Kasi siyempre, nung siya yung gumawa, talagang big hit, and she really made a trademark sa industry at siyempre sa GMA.

“So, malaking tulong sa akin kung makahingi ako ng advice. Hopefully soon,” ani Megan sa ginanap na story conference ng Marimar kamakailan.

Inaatake na ba siya ng nerbiyos ngayon pa lang, “Mas excited siguro ako kesa sa kinakabahan. Kasi, first project ko after I signed with GMA, and isa pang napakagandang project na ibinigay sa akin, na Marimar. So, excited po ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending