Sarah, Matteo problemado sa relasyon | Bandera

Sarah, Matteo problemado sa relasyon

Ervin Santiago |June 26,2015
facebook
share this

Sarah, Matteo problemado sa relasyon

Ervin Santiago - June 26, 2015 - 03:00 AM

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

NANINIWALA kaming may problema pa rin sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa kanilang relasyon.

Ito’y base na rin sa mga naging pahayag ng Pop Princess sa presscon ng pelikulang “The BreakUp Playlist” nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife.

Sa mga pinakawalang salita kasi ni Sarah, na-feel ng entertainment press na hindi pa rin matatawag na buo ang kaligayahan niya sa pakikipagrelasyon kay Matteo. Tila kasi pigil na pigil pa rin ang kanyang emosyon sa pagkukuwento about her boyfriend.

Tulad ng Kapamilya hunk actor, lagi ring sinasabi ni Sarah na lagi siyang nagdarasal na sana’y gabayan lagi sila ni Matteo ng Panginoon habang pinatatatag ang pundasyon ng kanilang samahan.

Nang matanong naman kung kumusta na ang kanyang puso ngayon, masasabi na ba niya finally na meron na siyang “happy heart”, “E, sana po. Siyempre wala naman hong ano, e…bawat sitwasyon, wala namang perpektong sitwasyon.

“Kailangan mo lang ipagdasal na kung ano yung kalooban ng Diyos, yun ang mangyayari sa bawat relasyon na pinapasukan mo,” pahayag ng Pop Princess.

Actually, hindi lang kami ang nakapansin sa pagiging “kimi” ni Sarah during the presscon of “The BreakUp Playlist”, para kasing may pinagdaraanan ang dalaga. Hindi siya tulad ng dati na palatawa at masiglang sumagot sa mga tanong ng press.

Pero in fairness talaga kay Sarah ha, kahit na anong gawing paghihigpit sa kanya ng magulang ay hindi pa rin siya nagrerebelde, wala pa rin siyang sinasabing masama laban sa kanyang parents. Ang laging bukambibig ng singer-actress, ipinauubaya na lang niya ang lahat sa Diyos.

At sigurado kaming ‘yan ang dahilan kung bakit pinagpapala pa rin siya. Kaya sana nga, tulad ng ipinagdarasal ng milyun-milyong Popsters, maging maligaya na ng bonggang-bongga si Sarah sa piling ni Matteo.

Basta kami, tama lang ang ginawa nina Mommy Divine, mahirap na at baka magsisi pa si Sarah sa huli.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending