Kris nilait ang underwear ng basher ni Bimby | Bandera

Kris nilait ang underwear ng basher ni Bimby

Ervin Santiago |June 26,2015
facebook
share this

Kris nilait ang underwear ng basher ni Bimby

Ervin Santiago - June 26, 2015 - 03:00 AM

KRIS AQUINO AT BIMBY

KRIS AQUINO AT BIMBY

PIGIL na pigil ang panggigigil ni Kris Aquino sa isang follower niya sa Instagram na nagkomento ng hindi maganda sa isang picture ni Bimby. Hindi man diretsong inaway ng TV host ang basher, nakuha pa rin naman nitong mang-okray.

Nag-post kasi ang Queen of all Media ng isang litrato ni Bimby na super smile, nakasuot ang bagets ng white T-shirt with matching gold na kuwintas.

Nilagyan ito ni Kris ng caption na: “I’m home… 1 hour before I need to leave for ABS. We’ve been practicing our conversational Filipino. My new rule w/ Bimb: pag kinausap ko sya ng straight Tagalog, dapat straight Tagalog din ang sagot nya. Kris: Sino’ng mahal mo? Bimb: Siempre, ikaw. Aaaaayyyy! #TunawAngPuso!”

Isang follower ni Kris (angelo_pogi20), ang agad nag-post ng comment, anito, parang bading daw si Bimby sa picture.

Siyempre, nabasa ito ni Kris. Pero sa halip na talakan ang kanyang basher, “Papatol na sana ako, but I had the good sense of checking your IG. OMG where can I send the Bench GCs so you can buy proper underwear. Act of charity ko na!”

Agad namang nag-sorry ang basher kay Kris pero humirit ito kung saan niya pwedeng kunin ang ibibigay na GC ni Kris. Pero hindi na ito sinagot ng TV host.

Hindi naman tinantanan ang nasabing follower ni Kris ng panlalait at pang-ookray ng iba pang netizens kaya umapela na ito sa mga tagapagtanggol ng nanay ni Bimby.

Sabi ni angelo_pogi: “Nag sorry napo ako kay @withlovekrisaquino sana wag naman kayong ganyan sakin over naman kayo magalit pati sa account ko nag cocoment kayo. sorry na po sa inyong lahat.”

Kamakailan ay kumawala ang galit ni Kris nang pakialaman naman ng isa niyang IG follower ang pagpapalaki niya kay Bimby.

Talagang ipinamukha niya rito na hindi siya pabayang ina at wala raw karapatan ang kahit sino na kuwestyunin ang ginagawa niyang pag-aalaga sa dalawang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-ugat naman ito sa pagpayag ni Kris na si Vice Ganda ang sumama kay Bimby sa isang awards night sa halip na si James Yap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending